Post You Might Like

Sigaw ng kabit: Mga Misis, pangit, matataba at mababaho

Dahil sa mainit ang usapan ngayon ng programang HALIK, pati ang Dear Maria Angela ay nakatanggap ng sulat mula sa isang kabit. Ano kaya ang masasabi ng mga misis dito?




Dear Maria Angela,

Ako nga pala si Jocelyn, 21, maganda at seksi kaya ipinagmamalaki kahit isang kabit lang. Ang mga asawa kasi, ang papangit na at ang tataba kaya iniisnab na ng kanilang mga asawa. Hindi lang pala iniisnab. Iniiwanan na rin at kaming mga kabit ang pinipili. Kasi nga, maganda, seksi at mababango kami. Wala rin sa bokabularyo namin ang magkaroon ng anak. Nakakasira yata iyon ng figure kaya okay na sa akin na ang lovydabs ko na lang ang bebi ko tutal ginagawa naman niya ang ginagawa ng mga baby sa aking malaking hinaharap. HAHAHA. 

Mula ng magkaanak ang misis, wala ng inasikaso ang kanilang mga anak. Haller, dapat pagsilbihan din ninyo ang mga mister ninyo. Kahit isang dosena na ang anak ninyo, dapat magpaganda pa rin kayo. Kung hindi ninyo gagawin ang magpaganda, magpabango at magpaseksi, talagang mawawalan ng gana sa inyo ang inyong mister. Para sa aming mga kabit, okay na okay na mangyari iyon. At least sa amin na uuwi ang lalaking mahal na mahal namin.

At ang good news pa, ako na rin ang kanyang gagastusan. Kung magbibigay man siya sa kanyang pamilya. Konti lang. Kaya si misis, kailangang magtrabaho nang magtrabaho para masuportahan ang kanyang mga anak. Naku ha, hindi ko siya kakaawaan ano. Ginusto niyang magpabuntis kaya ngayon ay magdusa siya.

Hay naku, sabihin na ng marami na wala akong konsensiya, wala akong pakialam. Basta ang importante sa akin, ako ang mahal ng mahal ko. Kung nagugutom man ang kanyang anak, care ko. Ang mahalaga sa akin ay busog ako sa pagmamahal at siya rin naman ay gagabi-gabi kong binubusog. Ang dami ko kayang alam na style. HIHIHI.

Kaya mga kabit, huwag na kayong magtago riyan. Ang dapat nga ay maging proud kayo dahil kahit hindi kayo nagsabi ng ‘I do’ kayo pa rin ang ipinaglalaban ng lalaking mahal mo. Kaya, ang tip ko sa’yo kung isa kang kabit, huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo, huwag kang magpapanak at higit sa lahat, kailangan alam mo ang iba’t ibang moves sa bed.

Hanggang dito na lang.

Gumagalang,
Jocelyn


To all Misis out there,


Kayo na po ang bahalang sumagot a sinabing ito ng sender nating si Jocelyn

No comments