Post You Might Like

Chinese Horoscope

                                                                                                                                       

Daga
Maganda talaga ang umaga mo ngayon dahil maraming suwerte ang darating sa’yong buhay. Kaya, huwag kang masyadong mag-alala. Relax ka lang at damhin ang mga suwerteng darapo sa’yong palad. Lucky number mo ang 10.

Baka
Ikaw lang naman ang nagpapahirap sa’yong kalooban. Huwag mo na kasing gawin ang sinasabi ng ibang tao kung tutol naman talaga ang iyong damdamin. Ikaw lang ang mahihirapan at masasaktan. Palayain mo ang sarili mo sa paghihirap.Lucky number mo ang 22.

Tigre
Mahalin mo ang iyong sarili. Huwag mong tikisin ang iyong kalooban. Kung ikaw ay magbabago, huwag mong gawin para sa iba kundi para sa’yong kalusugan. Mahirap ang maging mataba, madadali ang iyong buhay kaya umiwas sa mamantika. Lucky number mo ay 17.


Kuneho
Hindi lahat ng tao ay mapagkakatiwalaan. Itikom mo ang iyong bibig kung ayaw mong mapahamak. Tandaan, hindi lahat ng taong nakapaligid sa’yo ay kakampi mo. Karamihan, parang ahas na naghihintay ng pagkakataon na tuklawin ka. Lucky number mo ang 3.

Dragon
Kung hinahanap mo ang iyong true love, huwag ka na tumingin sa malayo. Ayon kasi sa’yong kapalaran, siya ay nasa paligid mo lang. Kaya, maging mapagmatyag ka.  Lucky number mo ang 9.

Ahas
Kung mayroon kang pangarap na gustong maabot, abutin mo. Magsikap ka at siguradong magtatagumpay ka. Mabibigo ka naman kung ikaw ay aasa lang sa iba dahil walang makakatulong sa’yo kundi ang iyong sarili.  Lucky number mo ang 10.





Kabayo
Matagal ka ng malungkot dahil nag-iisa ka kaya hanapin mo na ang makapagpapaligaya sa’yo. Manalangin ka rin na siya ay matagpuan mo sa takdang panahon.   Lucky number 7.

Tupa
Habang tumatakbo ang araw, nadaragdagan ang iyong problema kaya hanapin mo na ang solusyon para matapos na ang paghihirap mo. Sa pamamagitan nito ay magiging maligaya ka rin.  Lucky number mo ang 36

Unggoy
Marami ka pang bigas na kailangang kainin para masabi mong handa mo ng harapin ang buhay. Kaya, matuto ka munang sumunod para maging maligaya ka. Lucky number mo ang 2.

Tandang
Huwag kang masyadong umasa sa suwerte, kailangan mo rin siyempreng magkaroon ng determinasyon para makuha mo ang lahat ng bagay na gusto mo. Maghanap ka ng inspirasyon. O, huwag ka na maghanap sa malayo dahil nandiyan naman ang iyong pamilya. Lucky number mo ang 3



Aso
Huwag kang maging matapang kung hindi mo naman kayang panindigan ang iyong mga desisyon. Huwag kang mananakit ng damdamin kung ayaw mong mapahamak  Lucky number mo ang 18.

Baboy
Gaano mo pinahahalagahan ang mahal mo? Kung sobra-sobra, mas paligayahin mo siya para hindi siya mawala sa’yong buhay.  Lucky number mo ang  25.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope November 15.


No comments