Post You Might Like

Chinese Horoscope November 14

 


Daga


Huwag mong takasan ang problema, harapin mo. Ipakita mo sa taong nanakit sa’yo ang tunay mong kakayahan at siguradong manghihinayang siya na pinakawalan ka.  Lucky number mo ang 20.



Baka

Hindi ka naman mahal ng mahal mo kaya huwag mo na siyang panghinayangan pa. May iba pa namang magmamahal sa’yo, hintayin mo na lang siya. Ikaw din kasi ang masasaktan. Lucky number mo ang 32.


Tigre

Maging matatag ka. Huwag na huwag mong hahayaan na manghina ang iyong loob. Lucky number mo ay 7.



Kuneho

Huwag mong sabihin ang lahat ng sikreto mo sa taong hindi mo naman kapamilya. Mapapahamak ka lang Lucky number mo ang 13.


Dragon

Huwag kang magagalit sa taong pinagkakatiwalaan mo kung hindi mo naman tinatanong ang kanyang panig. Maging fair ka naman.  Lucky number mo ang 18.





Ahas

Ano ba ang gusto mong gawin? Pakaisipin mo t iyon ang pagbutihan mong gawin.  Lucky number mo ang 28.




Kabayo

Marami ka mang mga bagay na hindi nakuha, okay lang ‘yan. I-appreciate mo ang mga bagay na mayroon ka.  Lucky number 16.





Tupa

Masakit mawalan ng minamahal pero, bakit ka naman manghihinayang kung wala naman siyang nagawa sa buhay mo kundi ang saktan ka?  Lucky number mo ang 4.




Unggoy

Ikaw lang naman ang makapagsasabi kung tama ba o mali ang iyong ginagawa kaya bago ka kumilos, mag-isip ka muna ng mabuti.  Lucky number mo ang 11.



Tandang

Kung may nawala kang isang bagay na importante sa’yo, hanapin mo agad. ‘Yan ang paraan para makakuha ka ng suwerte. Lucky number mo ang 3


Aso

Huwag kang magpapaapekto sa mga taong ang layunin lang naman ay sirain ka. Basta gumawa ka ng tama at siguradong ikaw ay magtatagumpay..  Lucky numbers mo ang 23 at 27.



Baboy

Mahalin mo ang iyong sarili kaya gumawa ka ng bagay na makakapagpasaya sa’yo. Lucky number mo ang  25.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope November 14.

No comments