Post You Might Like

Chinese Horoscope October 6

Tunghayan ang Chinese Horoscope October 6 ni Madam Juliet.                                                                                                                                                                                                             


Daga
Kung mayroon kang pinuproblema, manghingi ka ng payo. Huwag kang kikilos ng masama dahil ikapapahamak mo ‘yan kaya sa huli, ikaw din ang magiging kawawa. Maging matalino ka sa pagharap sa buhay.  Lucky number mo ang 10.

Baka
Kailangan mo talaga ang pag-ibig kaya huwag mong ipagtabuyan ang tanging tao na nagmamahal sa’yo. Ikaw din kasi ang masasaktan. Lucky number mo ang 12.

Tigre
Huwag kang masyadong mabait, hindi kapani-paniwala. Isang araw, ang totoong nararamdaman mo ay lalabas din. Kailangan lang talagang galitin ka. Huwag kang magpadala sa emosyon dahil lahat ng pinaghirapan mo ay mawawala rin.  Lucky number mo ay 5.

Kuneho
Manghingi ka ng idea sa taong iyong pinagkakatiwalaan. Ibibigay niya ‘yan ng buong puso sa’yo. Lucky number mo ang 3.

Dragon
Huwag ka ngang maniwala sa tsismis. Gamitin mo ang utak mo. Matanda ka na pero nauto ka pa rin. Sige ipagpatuloy mo ang ginagawa mo at ikaw din ang lalabas na katawa-tawa.  Lucky number mo ang 8.

Ahas
Kailangan mong pag-isipin ang iyong ginagawa. Huwag kang magpapadala sa’yong emosyon. Hindi ‘yan makakatulong para matupad mo ang iyong pangarap na magkaroon ng magandang buhay.   Lucky number mo ang 18.

Kabayo
Ano ba ang gusto mong gawin sa’yong buhay? Isipin mong mabuti at gawin mo ang lahat para ‘yan ay makamit. . Lucky number 6.

Tupa
Ano ba ang mensahe na ibibigay mo sa isang kaibigan, kapamilya o kakilala? Pag-isipan mong mabuti at huwag kang magkakamaling manakit ng damdamin. Lucky number mo ang 8.

Unggoy
Mas maigi pang ang sasabihin mo ay ang mabubuting salita. Gagaan ang iyong pakiramdam. Huwag kang maging insensitive. Hindi porke nagagalit ka ay lahat ng masasamang salita ay sasabihin mo sa isang tao. Lucky number mo ang 12.

Tandang
Huwag mong isipin na mahirap ang iyong trabaho, mas mahirap ‘yung mawalan ka ng trabaho. Mahal na ang bilihin ngayon kaya kailangan mo ring mahalin ang iyong trabaho.   Lucky number mo ang 7.

Aso
Magpatuloy ka lang sa mga ginagawa mo. Huwag kang magpapa-distract lalo na sa mga taong nakakaramdam ng inggit sa’yo.  Lucky numbers mo ang 13 at 26.

Baboy
Ito na ang pagkakataon na mag-enjoy ka. Huwag mong tikisin ang iyong sarili. Kailangan ay maging masaya ka rin. Lucky number mo ang  15.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope October 6.










No comments