Post You Might Like

Tips para magkadatung

Pera ang nagpapainog sa mundo kaya dapat lang na magkaroon ka ng maraming pera para hindi ka magkaproblema. Ngayon, ang tanong, ano ang paraan para ikaw ay magkaroon ng pera? Ang mga sagot ay kailangan mong tunghayan sa artikulong ito na pinamagatang Tips para magkaroon ng datung.


Una, mag-work ka. Ito ang pinakamabisang paraan para magkaroon ka ng pera na magagastos mo sa araw-araw at para na rin mabili mo ang lahat ng iyong maibigan. Iyon nga lang, hindi naman lahat ng tao ay nagkakaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho sa malalaking kumpanya. Sa ating bansa kasi, marami ang nangangailangan ng trabaho kaya lang konti ang trabaho. Kaya, kailangan ay maging wais ka sa paghanap ng trabaho.

Kung minsan naman kasi ay hindi mo kailangang maghanap ng trabaho kung saan-saan. Maaari naman kasing maghanap ka ng work online kung mayroon ka namang internet. Baka nga mas malaki pa ang kitain mo kaysa magtrabaho ka sa kung saan-saang kumpanya. Basta ang kailangan lang ay may talento kang maipagmamalaki kung nais mo talagang makakita ng trabaho.

Ngayon kung wala ka namang alam sa online work at ibig mo pa ring kumita ng malaki, maaari ka na makipagsapalaran sa ibang bansa. Wala namang masama kung magwu-work abroad ka. Basta tiyakin mo lang na legit ang kumpanyang mapapasukan mo. Kaya, ingat din sa paghahanap.

Pangalawa, mag-ipon ka. Kapag may trabaho ka, huwag kang gasta nang gasta. Kailangan ay isipin mo rin kung ano ang mangyayari bukas. Hindi naman porke marami kang pera ngayon ay pang-habambuhay na ‘yan. Kailangan mo ring isipin kung ano ang mangyayari kapag nawalan ka ng trabaho kaya dapat ay mag-impok ka habang may perang pumapasok sa bank account mo.

Pangatlo, maging mabuting tao ka. Ito ang tanging paraan para patuloy kang suwertehin sa’yong buhay. Huwag na huwag kang mananakit kung ayaw mong makarma. Kung ikaw kasi ay nananakit ng iyong kapwa at pati na rin mga hayop, hindi gaganda ang buhay mo. Kailangan mong tandaan na ang kalimitang pinagpapala ay ang mga taong may mabubuting puso kaya maging mabuti ka sa lahat ng tao lalo na sa mga taong madalas mong nakakasama. Sila ay ang iyong pamilya at ang mga kaibigan na iyong maaasahan sa lahat ng oras.

O, sana naman ay matuwa ka sa mga sinabi ko. Dapat din naman na magkaroon ka ng determinasyon para makuha mo ang lahat ng gusto mo. Tandaan mo, hindi ka basta magkakapera kung hindi ka magtatrabaho. Kailangan ay maghirap ka kung ibig mo talagang magkaroon ng magandang buhay. 

No comments