Post You Might Like

Tips para hindi ma-brokenhearted

Kung ikaw ang taong wagas na magmahal, talaga ngang masasaktan ka ng husto kapag hindi kayo nagkaroon ng forever ng mahal mo.


Ngunit, hanggang kailan ka magmumukmok diyan? Aba, mag-move on ka na. Kahit naman siguro magngangangawa ka riyan, walang mangyayari.

Pero, may mga paraan naman para hindi ka na ma-brokenhearted at ito ang ipapahagi ko sa’yo ngayon. Ready ka na bang malaman ang mga Tips para hindi ma-brokenhearted.

Una, kilalanin mo muna ang taong nagugustuhan mo. Hindi porke attracted ka na sa kanya ay liligawan o sasagutin mo na siya. Kailangan ay kilalanin mo muna siya. Hindi naman masama kung bago mo ibigay sa kanya ang iyong puso ay aalamin mo muna kung ano ang kanyang pagkatao. Kailangan naman ay malaman mo ang kanyang kahinaan at kapintasan dahil iyon ang kailangan mong pakisamahan sa kanya, hindi ang mga katangian niya.

Pangalawa, tiyakin mong hindi ka rebound lang. Kung niligawan o sinagot ka lang niya para kalimutan ang kanyang ex, huwag mong asahan na magkakaroon kayo ng forever. Malinaw pa kasi sa sikat ng araw na ginagamit ka lang niya para mawala ang atensyon niya sa kanyang ex. Kung ibigin mo talaga siya, sinisiguro kong sa huli ay masasaktan ka lang. Hindi naman kasi niya magagawang ibigay sa’yo ang pagmamahal niya sa dating pag-ibig.

Pangatlo, huwag kang magtitiwala sa taong immature. Kung siya ay iresponsable at walang inatupag kundi ang makipagbarkada, inasahan mo bang magagawa niyang mapanindigan ang nararamdaman niya sa’yo. Siyempre hindi. Kapag nakakita siya ng taong higit ang katangian kaysa sa’yo, siguradong babush ka na.

Pang-apat, huwag kang bigay na bigay kung umibig. Kahit sinasabi ng puso mo na mahal na mahal mo siya. Mas mahalin mo pa rin ang iyong sarili. Huwag mong asahan agad na magkakaroon kayo ng forever. Basta i-enjoy mo ang inyong relasyon.

Panlima, huwag mong hayaang umikot lang sa kanya ang mundo mo. Kahit na mayroon kang karelasyon, isipin mo pa rin ang iyong kinabukasan. Huwag mong pababayaan ang iyong career, pamilya at mga kaibigan.  Kapag kasi nakahiwalay mo ang iyong karelasyon, sila ang maaari mong masandalan sa oras ng iyong kabiguan. Magagawa ng kapamilya at kaibigan mo na suportahan ka at maibabaling mo naman sa trabaho atensyon

Kapag nagawa mo ito, siguradong hindi ka ngangawa riyan kahit na sabihin pang naghiwalay kayo ng karelasyon mo. Dahil kahit mahal mo siya, mas mahal mo pa rin ang iyong sarili.

Salamat sa pagbasa sa Tips para hindi ma-brokenhearted

No comments