Post You Might Like

Sino nga ba ang madalas na kinaKARMA?

Sino nga ba ang madalas na kinakarma? Siyempre, iyong mga taong nakagawa ng mali sa kanilang kapwa.


Kaya nga, bago tayo gumawa ng bagay na maaari naman nating ikapahamak sa huli, kailangan muna tayong mag-isip ng maraming beses.

Pero, hanggang saan nga ba ang mali? At kailan nagiging tama ang lahat?

Sala-salabat ang salitang karma dahil ikaw mismo, hindi mo na alam kung tama o mali ang nagawa mo. Ang mahalaga para sa’yo ay naging masaya ka. Nakuha mo ang bagay na gusto mo. Ngayon ang tanong, kapag ganito ba ang sitwasyon, sa palagay mo ay hindi ka rin babalikan ng karma.

Sa aking paniniwala, kung ikaw ay nakagawa ng masama sa’yong kapwa, kapag nasaktan mo siya ng husto, doon mo aanihin ang ‘bad karma’ kaya lang kung ikaw naman ay nakatulong sa kanya tapos ginawa ka niya ng mali, doon ka magkakaroon ng good karma.

Pero, sino-sino nga ba ang mga taong madalas na kina-karma?

Una, ang pumapatay. Sabi nga sa isang pelikula, ang taong nabubuhay sa baril, sa bala rin namamatay. Kaya kung ang trabaho mo ay pumatay, huwag mong asahan na ikaw ay magkakaroon ng magandang buhay. Dahil sa huli, baril din ang papatay sa’yo. Ang masaklap pa, ang kikitil sa buhay mo ay ang taong malapit sa puso mo.

Pangalawa, pagnanakaw. Kapag kumuha ka ng bagay na hindi sa’yo, hahabulin ka talaga ng karma dahil hindi ‘yan inilaan para sa’yo. Kaya nga, marami ang pinuputulan ng kamay sa ibang bansa, hindi ba? Kung ang mga kamay na iyon daw kasi ang gagawa ng masama, mabuti pang mawala na lang.

Pangatlo, mga tsismosa. Kung minsan ay tinatawanan lang natin sila dahil mas gusto nilang magsayang ng oras at magkumpul-kumpol sa isang tabi para pag-usapan ang ibang tao pero dahil sila ay makapagdudulot ng kasamaan sa kanilang kapwa, dahil magagawa nila itong siraan. Sa huli ay mapaparusahan sila. Wala naman kasing taong perpekto. Lahat ay maaaring magkamali pero walang dahilan para siraan mo pa sila. At dahil nga babalikan ka ng karma, hintayin mo na lang din ang maaring mangyari sa mahal mo sa buhay o sa’yong kapamilya. Sila ang aani ng kasalanan mo.

Pang-apat, ang mga taong hindi marunong tumupad sa kanilang pangako. Kahit anong klaseng pangako ang binitawan mo, kailangan mo ‘yang tuparin dahil kapag nakapanakit ka ng damdamin ng iyong kapwa, mangyayari din sa’yo ‘yan. Ito ang madalas na nangyayari sa magkarelasyon. Ipapangako ni lalaki o babae na kahit na anong mangyari ay hindi siya mang-iiwan pero makukuha pa rin nilang bumitiw ng bigla-bigla dahil lang nakatagpo sila ng iba. Ang taong ganito, hindi kailanman nagiging masaya.

Panlima, ang mga taong walang utang na loob. Kung minsan, ginawa mo ang lahat para makatulong sa’yong kapwa pero sa huli, hindi nila iyon naaalala kapag nakakita sila ng tao o mga taong mas makakatulong sa kanila. Ang mga ganitong tao ay hindi kailanman umaasenso. May tendensiya pa nga na sila ay lumagapak ng husto. At sa kanilang paglagapak, siguradong sila ang masasaktan ng husto dhil iyon ang batas ng karma.

Kaya kung nakagawa ka ng masama sa’yong kapwa, lumapit ka na sa kanya at mag-sorry dahil kapag karma ang naningil sa’yo, siguradong hindi ka na makakaiwas pa.

No comments