Post You Might Like

PBA Governors Cup: Phoenix, Ginebra wagi

Ni NOLI C. LIWANAG

FIRST Game: Nagwagi ang Phoenix Fuel Masters kontra sa TNT KaTropa sa score na 112-82 sa PBA Governors Cup noong Biyernes, Agosto 31, sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.
HINDI ininda nina Calvin Abueva (88), Matthew Wright (35) at Jaypee Mendoza (20) ng Phoenix Fuel Masters ang depensa ng TNT KaTropa kung saan tinambakan ng FuelMasters ang TNT. (Mga larawan ni MAX FERRER)

Simula pa lamang ng unang quarter hanggang sa 4th quarter ay hindi na nilubayan ang Phoenix ng napakagandang laro ng lahat ng player, kumpara sa hirap na makakuha ng signal sa basket ang TNT.
Pinangunahan ni Rookie player Jason Perkins ang Phoenix na nagtala ng 22 points habang mayroong 16 points si Matthew Wright samantalang nagtala naman ng 15 points at 11 rebounds ang kanilang import na si Eugene Phelps.
Tinawag naman ni Phoenix coach Louie Alas na tila nakabawi sila sa pagkatalo nila noon sa Alaska Aces.

Scores:
Phoenix 112 - Perkins 22, Wright 16, Phelps 15, Jazul 13, Abueva 12, Eriobu 9, Chua 8, Revilla 6, Mendoza 6, Intal 3, Wilson 2, Gamboa 0.

TNT 82 - Tamsi 14, Davis 13, Cruz 12, Garcia 11, Carey 8, Semerad 7, Pogoy 7, Rosario 5, Reyes 3, Castro 2, Golla 0, Paredes 0, Williams 0, Saitanan 0.
Quarters: 29-17, 61-31, 85-56, 112-82.


SECOND Game: Barangay Ginebra, binagga ang depensa ng Columbian Dyip sa score na 96-84, kung saan nagpakitang gilas sa panalo ng Gins si Justin Brownlee na nakapagtala ng 34 points.

Nakapagtala naman ng tig-14 points sina Japeth Aguilar at Greg Slaughter habang mayroong 10 points si Scottie Thompson.
Ayon lay Ginebra coach Tim Cone, nahirapan sila hanggang makarating ng last 6 minutes ng laro.

Ito na ang pang-apat na sunod na talo ng Columbian sa ilalim ng bagong coach na si Johnedel Cardel.
Scores:
Ginebra 96 - Brownlee 34, Aguilar 14, Slaughter 14, Thompson 10, Mariano 8, Tenorio 7, Chan 7, Ferrer 2, Caguioa 0, Manuel 0.
Columbian 84 - McCarthy 18, King 17, Camson 14, Wright 12, Khobuntin 5, Escoto 5, Reyes 5, Sara 4, Gabriel 4, Ababou 0, Lastimosa 0, Cabrera 0, Cahilig 0.
Quarters: 23-18, 41-36, 61-61, 96-84.

No comments