Post You Might Like

Panaginip 2: Naliligo sa Ilog

Tunghayan natin ang Panaginip 2.

Bigyang daan natin sa ngayon ang kahulugan ng panaginip na “naliligo sa ilog, sa malinaw na tubig.”
      Ganito ang sabi ng mga psychologist, “ What you wish will surely  appears in your dreams.”
       Sa ganitong pananaw, analisahin natin ang  panaginip na naliligo sa malinaw na tubig. Ang ganitong panaginip ay  napapanaginipan kadalasan ng mga babae na bigo sa pag-ibig. Sila na nakakaranas ng relasyon  masasabing hindi dapat na  mangyari sa kanila.
Dahil dito  mahahayag sa kanilang mga panaginip ang pagnanais na magkaroon ng dalisay at wagas na pag-ibig. Na sinimbolo ng malinaw at malinis na tubig. Ito ang kanilang urgent wish of their life.
     Kaya  kitang –kita na ang mga pinagmamalupitan ng kanilang mga karelasyon ay masasabing nahahayag din sa kanilang mga panaginip. Dahil ang hindi naman pinagmamalupitan ay hindi mananaginip na siya ay naliligo sa ilog na malinaw ang tubig.
       Ganundin ang mga  may nakarelasyon na babaero o mga hindi  tapat ang pag-ibig dahil kaya lang naman ang wishes ng nanaginip  ay pure love ay dahil nga sa  ang pag-ibig ng kanilang karelasyon ay hindi naman  wagas.
       Hindi rin  makakatakas sa ganitong panaginip ay may nakarelasyon na may masamang motibo na ang gusto lang ay pakinabang, pera, yaman, sarap ng buhay at iba pang mga materyal na mga bagay na nahuhuthot sa nanaginip.
        Dahil ang true love ay inilalarawan ng malinis at malinaw na tubig ay iniugnay din sa damdamin.
        Dahil sa masaklap na katotohanang nakapaloob sa ganitong panaginip, masasabing ang panaginip ding ito ay nagsisilbing paunang patanaw sa magaganap sa  darating na panahon.
Kaya ito rin ay nagbabalita na ang nanaginip ay walang magagawa kundi ang iwan o palitan ang kanyang  karelasyon na hindi naman talaga nagmamahal. Dahil ang tao  ay pansamantala lang  nagdudusa. Kumbaga, dahil ang tao ay may dangal at dignidad, sa huli ay  matatakasan din niya ang  kanyang pangit na kalagayan.
       Kaya,  hindi  nakapagtataka kung siya ay ma-in love sa iba at tuluyan ng kalimutan ang taong  nagparanas sa kanya ang  mapait na karanasan. Kumbaga, ang mga nanaginip ng  naliligo sa ilog sa malinaw na tubig ay  madaling mai-in love sa ibang nagpapakita sa kanya ng pagtangi . Mangyayari ito dahil nga lahat naman ng tao ay  may wish of their life na  mahanap ang kanilang tunay na kaligayahan.
          Walang tao na hindi nagmamahal sa kanyang sarili at ang lahat, siyempre ay nagnanais na siya ay magkaroon ng magandang buhay kaya muli,  hindi na nakapagtataka kung iwan, layuan at palitan na niya ang kanyang karelasyon na wala namang mabuting  naidulot sa  buhay niya.

                                 Hanggang sa muli,
                                 Analiza S. Sulit - Oneirologist.

No comments