Post You Might Like

Panaginip 1: Totoo ka nga ba?


                                             bAnaliza S. Sulit - Oneirologist

Tunghayan ang Panaginip 1.

Bilang paglilingkod ang kolum na ito ay  ilalaan natin sa pag-analisa sa kahulugan ng panaginip. Bibigyan natin ng  kahulugan ang mga panaginip, aanalisahin at alamin natin kung paano makakatulong ang mga panaginip sa buhay ng isang tao.
      Unahin natin ang katanungang, “Totoo ba ang mga panaginip?”
      Para mas malinaw ang gamitin nating awtoridad ay ang mismong The Bible. Dahil ito mismo ng aklat na gamit ng lahat ng Kristiyano at pinaniwalaan na ang The Bible ay ang The Word of God. Kaya nga ayon sa mga Kristiyano,  ang ating paniwalaan ay ang kung ano ang nakasulat sa Banal Na Aklat.    
       Nasusulat sa Aklat ni Joseph, “Nanaginip ang Hari at pinatawag si  Joseph at  in-interpret niya ang  mga napanaginipan ng Hari. Ang Pitong Matabang Baka ay sumisimbolo sa pitong taon ng kasaganahan o tumutukoy sa masaganang ani. Ang Pitong Payat na Baka ay para sa pitong taon ng tag-gutom.”
      Nagkatotoo kaya ang panaginip ni Hari at ang interpretation ni Joseph nagkatotoo rin kaya?
      “At nangyari ang sinabi ni Joseph, nakaranas ang kaharian ng  Pitong Taon ng masaganang ano at  sinundan ng pitong taon ng tag-gutom.”
     Ito ang banal na basehan na ang mga  panaginip ay nagkakatotoo at hindi dapat na balewalain ng tao.
       Ito rin ay batayan kung bakit ang bawat Kristiyano ay nararapat lang na maniwala sa mga kahulugan ng panaginip. Kumbaga, kung ikaw ay isang kristiyano dapat na maniwala ka sa The Word of God, sa nakasulat sa iyong Bible.
      Ang Bible ay hindi isang aklat ng kasinungalingan kaya walang karapatan ang sinuman na ang mga mababasa dito ay  sabihing hindi totoo dahil ang ganitong pananaw ay isang malinaw at malaking paglabag sa utos sa mga kristiyano na ang  dapat na paniwalaan  higit sa anumang mga aklat na sa mundo ay nagkalat ay ang mismong The Bible.
      Dahil kung ang The Bible ay  hindi  totoo o aklat ng kasinungalingan, ang Christianity ay isa ring huwad na relihiyon. Kumbaga, sa fake news ang Christianity ay fake religion.
      Hindi lang  ang  kasaysayan ni Joseph ang naghahayag na ang mga panaginip ay nagkakatotoo  dahil marami pang ibang nabanggit sa The Bible  tungkol sa  mga panaginip na gumagabay sa mga tao.
      At  hindi lamang   sa The Bible may mga patunay na ang mga panaginip ay nagkakatotoo dahil ang mismong Agham o Science  ay nagsasabi ring ang “In  Dreams Lies  The Truth of a Thing.”
      Dahil ang  isa sa numero unong pundasyon ng psychology ay ang mga panaginip. In fact,  the father of psychoanalysis na si Sigmund Freud . Siya ang nagpasimuno sa makabagong panahon ng  pag-aanalisa ng mga panaginip at kung paano ang mga ito ay makatulong sa mga tao, sa kanilang  pang-araw-araw na buhay, sa paglutas ng mga suliranin at sa paano makakamit ang kanilang mga kagustuhan at  ang pag-aanalisa sa mga ayon kay Mr. Freud ay  may malaking tulong sa kung paano gagamutin ang mga  karamdaman o sakit na dinadanas ng isang tao.
Muli, bilang paglilingkod  ang ating kolum na ito ay ilalaan natin sa Kahulugan ng ating mga Panaginip. 
Salamat sa pagbasa sa Panaginip 1.


                           Hanggang sa muli,
             Analisa S. Sulit- Oneirologist.

No comments