Post You Might Like

Pamahiin Pagpapakasal: Para maging forever

Tunghayan ang Pamahiin Pagpapakasal. 


Nakakalungkot isipin na hindi lahat ng nagsasabi ng ‘I do’ sa harap ng dambana ay hindi nagkakaroon ng forever. Paano ba naman kasi, hindi nila nagawang panindigan ang kanilang pag-iibigan. Sa konting problemang dumating sa kanila ay nabibigo ang sinabi nilang pagmamahal.

Kaya naman nais kong ibahagi sa inyo ang ilang Pamahiin sa pagpapakasal para magkaroon talaga ng magandang buhay an pagsasama ng mag-asawa. Kaya, huwag na huwag ninyong iisnabing basahin ang Pamahiin pagpapakasal.

1. Maaga dapat sa Simbahan ang groom. Magbibigay ito ng good luck sa pagsasama ng mag-asawa. Kung talaga naman kasing mahal ni lalaki ang babaeng nakatakda niyang pakasalan, hindi niya ito hahayaang maghintay.

2. Huwag tatapakan ni Bride ang sapatos ng kanyang Groom. Magiging ander de saya daw kasi si lalaki. Kahit naman kasi ang advantage ay nasa panig ng babae, hindi pa rin maganda iyon dahil angmag-asawa ay dapat na magkapantay lang. Kaya nga kapag may nakakahigit ay hindi nagiging maganda ang kanilang pagsasama.

3. Huwag gagamit ng perlas ang Bride. Ang mga perlas daw kasi ay simbulo ng pagluha kaya kung ayaw mong palaging umiyak, huwag kang gagamit ng perlas na hikaw, singsing o anumang uri ng alahas sa’yong kasal.

Ngunit, bago kayo ikasal, kailangan din namang sundin mo ang ilang pamahiin na ito para makasiguro nga kayong aabot kayo sa dambana.

4. Huwag magsusukat ng wedding gown. Kahit na sa pelikula o telebisyon, kapag nakita natin na nagsuot ng wedding gown si babae bago siya ikasal ay hindi iyon natutuloy. Kaya, kung hindi mo gustong mangyari iyon, sundin mo na lang ang pamahiing ito. Hindi rin dapat maglakwatsa kapag malapit na ang kasal dahil nalalapit ito sa disgrasya.

5. Bawal magpakasal ang magkapatid sa loob ng isang taon. Sukob ang tawag dito. Kumbaga, kapag nagsasalo kayo  sa isang payong, siguradong mayroong mababasa. Kaya, maaaring mag-agawan lang sila ng suwerte. Kung may susuwertehin, mayroon namang mamalasin at sigurado akong hindi mo rin naman gugustuhing mangyari iyon sa buhay ninyong magkapatid.

Kung ikaw naman ay a-attend sa kasal, kailangan mo ring tatandaan ang ilang pamahiin para mabigyan mo ng magandang buhay ang mga ikakasal.

6. Maghagis ng bigas. Nagsasaad daw kasi iyon ng kasaganahan sa mag-asawa kaya kailangan kapag sila ay dumaan sa inyong harapan ay sabuyan mo ng bigas.

7. Magregalo ng arenola. Ito raw kasi ay suwerte kaya makabubuting kaysa mag-isip ka ng kung anu-anong regalong mamahalin, bigyan mo na lang sila ng arenola. Tiyak pang magkakaroon ka ng pagmamalaki dahil kapag umasenso ang mag-asawa ay masasabi mong naging bahagi ka ng kanilang pag-unlad.

8. Huwag magreregalo ng matutulis na bagay. Malas daw ito kaya kung ayaw mong makonsensiya sa huli, iwasan mo na magregalo ng kutsilyo, tinidor o kahit na anong matutulis na bagay.


O, sana naman ay sundin mo ang ilang ipinahayag ko sa Pamahiin Pagpapakasal. 


No comments