Post You Might Like

Pamahiin Lalagyan: Tips para makuha ang magtagumpay

Paggamit ng arenola ang nakikita kong solusyon kung talagang nais mong magtagumpay sa’yong negosyo. Mayroon daw kasi itong dalang suwerte kaya nga magiging matagumpay daw ang pagsasama ng mag-asawa kapag niregaluhan sila ng arenola.


Bakit nga ba suwerte ang arenola?

Sa paliwanag sa akin ni Maestro Honorio Ong, ang arenola ay inilaan para tayo ay umihi at magbawas at iyon ang dahilan kaya ito nagbibigay ng suwerte sa atin.

Nakakadiri man sa mata ng marami ang nababasa niyang ito pasensiya na po, ibig ko lang din namang malaman ninyo kung paano kayo susuwertehin. O, hindi ba, kapag nga daw nakapanaginip ka ng ebs, suwerte iyon. Mayroon pang numero 8 na katumbas iyon kaya maari mong tayaan at may tendensiya ka na manalo.

Kung ganoon nga, talaga ngang makakapagbigay sa’yo ng suwerte ang pagamit ng arenola. Dahil lagi itong maglalaman ng pera. Bukod pa roon mayroon ding ibang dahilan kaya suwerte ang pagamit ng arenola.

Tiyak kasing walang magtatangka na magbukas ng arenola kung hindi nila alam na na ang itinatago roon ay pera. Siyempre naman ang agad na ispin ng mga tao ay may kakaibang laman iyon kaya hindi na nila bubuksan. Baka nga pati ang magnanakaw ay hindi magkamaling magbukas ng arenola. Kung ganoon, paanong hindi ka susuwertehin sa paggamit ng arenola?

Kaya, huwag ka na magpatumpik-tumpik pa. Wala namang mawawala sa’yo kung ang gagamitin mo sa paglalagay ng pera ay arenola. Mas madadagdagan pa nga ang pera mo noon. Tulad nga ng sinabi ko, walang magtatangkang magbukas ng iyong arenola.

Bukod sa paggamit ng arenola, kailanga din ay alam mo kung ano ba ang lucky color mo para mas makaakit ka ng suwerte. Pero, kalimitan ang pinakamagandang kulay sa pagamit ng arenola ay pula at berde.

Ang pula ay matingkad kaya naman pansinin. Nagagawa rin nitong maakit ang suwerte kaya kung papansinin ninyo ang mga matatagumpay na negosyante, lagi silang gumagamit ng pampasuwerte na ang kulay ay pula.

Ang berde naman ay malamig sa mata. Nagsisimbulo din ito ng salapi. Ito pa ang kalimitang kulay ng mga dolyares kaya naman kapag gumagamit ka rin ng kulay berde, mapapansin mong hindi ka nawawalan ng salapi. Para nga kasing ang mga perang nasa loob ng arenolang ginagamit mong alkansiya ay nagtatawag pa ng mga kabarkada nilang barya at perang papel.

Kung suwerte ang pula at berde, sinisiguro ko sa’yong mas magiging mapalad ka kung ang mga gamit mo sa iyong bahay at negosyo ay may kombinasyong kulay ng pula at berde.

O, sana naman sa pamamagitan ng artikulong ito ay matulungan kitang mabago ang iyong buhay. Salamat sa pagbasa sa Pamahiin Lalagyan

No comments