Post You Might Like

Pamahiin Bungi: Anong mangyayari?

ANG mga ngipin natin ang siyang dahilan kaya tumitingkad ang ating sex appeal ng sinumang tao. Kaya nga kailangan ay alagaan mo ng husto ang iyong ngipin dahil ‘yan ang makapagbibigay sa’yo ng magandang buhay. O, para masiyahan ka o ma-inspire na mas pangalagaan mo ang iyong ngipin, sasabihin ko ang ilang mangyayari kapag inalagaan mo ang iyong ngipin.


Una, maaari kang magtagumpay sa’yong buhay. Kung magiging palangiti ka habang ikaw ay nagtatrabaho, siguradong maraming customers ang matutuwa sa’yo. Ikaw ang lalapitan nila kapag nangangailangan sila ng tulong. Siyempre, ang gusto nila ay ang taong approchable. Dahil mas magaan ang pakiramdam nila sa taong palangiti.

Pangalawa, marami ang magmamahal sa’yo. Kapag bata, tiyak na ikaw ay kagigiliwan. Kung ikaw naman ay teenager na, siguradong marami ang magkakagusto sa’yo. Kaya, malaki pa ang tendensiya na makatagpo mo ang iyong ka-forever.

Iyon nga lang, hindi naman laging good news ang hatid ng mga ngipin lalo na’t ito ay mabubungi. Kaya, kailangan ay dapat alam mo kung ano ang gagawin mo kapag nangyari iyon upang hindi ka kapitan ng malas. Sa Pamahiin Bungi, malalaman mo ang mga maaaring mangyari sa’yo.

Kapag nanaginip kang nabungi. Kailangan pagkagising mo ang maghagilap ka ng kahoy at kagatin mo. Para hindi mangyari ang nasa panaginip mo. Kung nakita mo kasing nalalagas ang ngipin mo sa’yong panaginip, may kapamilya kang mamamatay. Kaya’t ipinapayo na huwag ka munang magsasalita hangga’t hindi mo nakokontra ang kamalasan na mangyayari sa’yong buhay.

Ngunit, hindi naman siyempre laging bad news ang hatid ng pagkabungi. Maaari rin namang sa pagkabungi mo ay magkakaroon ka ng magandang buhay lalo na’t ang mabubungi ay bata. Sabi nga, kapag temporary teeth pa lang ang nabungi, siguradong mapapalitan pa ‘yan ng mas magandang ngipin kung aalagaan mo ito ng husto.

Kaya, kailangan mong gawin ang mga ito…

Kapag natanggal ang ngipin, ilagay sa ilalim ng unan. Mayroon daw kasing tooth fairy na matutuwa kapag nakitang pinahalagahan mo ang iyong ngipin kahit na nawala na sa’yo. Kaya, kapag nakita iyon ng diwatang ginawa mo gagantimpalaan ka niya. Papalitan niya ng pera ang iyong ngipin.

Kapag natangal ang ngipin, ihagis sa may bintana. Magkakaroon ka raw kasi ng magandang ngipin kapag ginawa mo iyon. Kaya nga lang may kondisyon. Kailangan daw kasing kunin iyon ng ibon. Kapag dinala niya ay maaari niyang maiparating sa langit ang iyong kahilingan.

O, gagawin mo ba ang mga ito?

Ang desisyon ay nasa iyon na. Basta nagawa ko ng ibahagi sa’yo ang maaaring mangyari dito sa Pamahiin Bungi. 


No comments