Post You Might Like

Pamahiin Birthmark: Ano ba ang ibig sabihin?

KUNG inakala mo na ang birthmark ay isa lamang nakakairitang mantsa sa ating balat, nagkakamali ka. Ang balat ay nakadikit na rin sa ating pagkatao dahil ito ang magiging palatandaan natin sa lahat ng pagkakataon.


Ang mga magkakadugo ay muling nagkikita-kita dahil lang sa pareho sila ng balat. Dahil nga sa hindi naman lahat ng tao ay mayroong balat tiyak na magdududa ka kung makikita mo na ang dalawang tao ay may magkaparehong balat.

Ngunit, may nagsasabi naman na kaya nagkaroon ng balat ang isang tao ay dahil sa noong ipinagbubuntis siya ay hindi nagawang kainin ng nanay niya ang napaglilihian kaya nga raw makikita sa kulay at hugis ng birthmark kung ano iyong pagkain na iyon.

Pero, bakit nga ba ang mga balat ay kung saan-saan tumutubo at hindi sa iisang lugar lang?


ads here


Sa aking palagay, ang pagkakaroon natin ng balat ay may kinalaman din sa kung anong klaseng tao tayo. Kaya naman aking ipapahayag sa inyo kung ano ang ibig sabihin ng mga balat na tumubo sa’yong katawan. Nandito ang ilan sa impormasyon na aking nakalap.  

Birthmark sa ilalim ng mata. babaero ang lalaking mayroon nito.
Birthmark sa ilong. hindi mo maintindihan ang kanyang ugali. Kunsabagay, malikhain kasi siya kaya baka maguguluhan din siya sa sarili niyang ugali. Sila ay iyong mga manunulat, pintor at iyong mga propesyon na ginagamitan ng taglay nilang talino.
Birthmark sa may bibig. Kung ikaw ay lalaki, magkakaroon ka ng magandang buhay. Bukod kasi sa magiging maligaya siya, yayaman pa. Kung babae ka naman, balat sibuyas ka pero madaldal.
Birthmark sa balikat. Kung sa kanang balikat ay may magandang kapalaran. Kung sa kaliwang balikat naman ay laging gipit.


ads here


Birthmark sa likod. Dahil nga sa parang mayroong nakadagan sa kanyang likod ay hindi rin niya gustong kumilos. Parang ang bigat-bigat ng kanyang katawan kaya’t masasabi natin na ang taong ito ay tamad. Mas gusto pa niyang humilata kaysa magtrabaho. Hahayaan niyang ang kanyang pamilya ang magtatrabaho para sa kanya.
Birthmark sa braso. Kung ikaw ay lalaki ay gusto mong laging nasa bahay lang samantalang kung ikaw naman ay isang babae, wala kang inatupag kundi ang magtrabaho.
Birthmark tiyan. Ikaw ay maramot.

Maramot ba ako? Mayroon kasi akong brown na birthmark sa aking tiyan at masasaki ko ngang kapag gustung-gusto ko ang isang bagay ay mas gusto ko itong solohin kaysa ipamahagi sa iba. Pero, kapag naubos ko na iyon ay saka ako magsisisi na hindi ako namahagi. Kaya, siguro nga ay magagawa natin labanan ang negatibo nating pag-uugali kung gugustuhin natin.

Ikaw, anong ibig sabihin ng birthmark mo? 

No comments