Post You Might Like

Pagkain ng mga tira, nakakataba

PAGTITIPID, tiyak na ang katagang ‘yan ang papasok sa utak mo para maisipan mo pang itira ang pagkain na inihanda mo para sa’yong almusal, lunch o dinner. Maganda naman sana ang layunin mong ito dahil sa panahon ngayon, talaga namang hindi biro ang mga gastusin kaya dapat lamang na maging wais ka. Kaya lang, paano mo naman masasabi na ang desisyon mong ito ay may magandang dulot sa’yong buhay partikular na sa’yong kalusugan. Tulad nga ng mga sinabi ng mga eksperto, ang pagkain ng mga tira, nakakataba.


Marahil, sobra kang nagulat sa ideyang ang pagkain ng mga tira ay nakakataba pero iyon naman talaga ang totoo. Kaya, tumigil ka na sa pag-iisip na may kabutihang idudulot sa’yo ang pagkain ng tira. Para mas maliwanagan ka sa aking sinabi, makabubuting pakaisipin mo muna ang ilang mahahalagang bagay na ipapa-realize ko sa’yo. At ito ay pinatunayan din ng marketing researchers sa University of Michigan.

Kung nagluto ka ng ulam na pangmaramihan at ibig mong makatipid, pakonti-konting ulam lang ang kukunin mo. Siyempre, gusto mong may makain ka pa sa susunod mong pagkain. Kaya, kaysa damihan mo ang pag-uulam, mas gugustuhin mo na lamang na damihan ang iyong kanin. At kung mabibitin ka sa pagkain mo sa’yong meal ang next mong gagawin ay kakain ka ng panghimagas. Sa pamamagitan kasi nito ay bibigat na ang iyong tiyan.

Kung mabigat ang iyong katawan, sure na sure na hindi mo na magagawa pang maglakad-lakad, tumakbo takbo o kaya ay mag-ehersisyo. Mas masarap naman kasi talaga kung magpapahinga ka na lang matapos mong kumain nang kumain kaysa gumalaw-galaw ka pa. Kahit pag-eehersisyo ang makakatulong sa’yo para gumanda ang iyong pakiramdam, hindi mo na maiisip pa iyon.

Sa madaling salita, nabusog ka dahil sa pagkain ng maraming kanin, pag-inom ng softdrinks o fruit juice at pagkain ng maaalat o matatamis. Ibig sabihin, nabusog ka dahil sa bad carbs kaya ang ending nito ay tataba ka lang nang tataba. Sigurado kasing tatamarin ka ring mag-ehersisyo niyan. Kaya ngayon, sagutin mo ang tanong na, nakatulong ba sa’yo ang pagkain ng tira?

Hindi.

Kaya, talaga namang kailangan mong kumain ng maayos kung talagang gusto mong magkaroon ng magandang figure. Wala naman kasi talagang mangyayari kung pipiliin mong magtipid nga sa ulam pero santambak naman ang idi-desert mo. Kung talagang gusto mong mabusog ng husto, kailangan ay sapat ang protein na nasa katawan mo para rin ikaw ay lumakas at makapag-isip ng tama at maayos.


Source:



No comments