Post You Might Like

Online work, naghahanap ka ba?

Ang Online work ang nakikita kong solusyon para hindi ka na magpakahirap pa sa paghahanap ng trabaho. Hindi mo na kailangan pang maglakad ng napakalayo para lamang kumita. Sa pamamagitan ng online work ay magkakaroon ka ng tsansa na ipakita ang kakayahan mo at makatulong din sa mga employer na nasa ibang bansa.

Dahil nga sa rami ng trabaho ng mga dayuhan, hindi na nila ito kayang harapin ng sabay-sabay. Nais na rin nilang sumigaw ng ‘tulong’ ngunit sa kabila noon, hindi naman sila nagpapakawala ng malaking pera para sa simpleng gawain kaya nga kalimitan ay nagpo-post sila ng online work at kung may Internet ka, madali mong makikita ang kanilang paghahanap ng empleyado.


Ngunit, bago ka ma-excite diyan, hindi lahat ng nagpu-post ng ‘kikita ka rito’ ay legit. May ilan diyan na nanloloko lang o mas kilala sila bilang scammer. Kailangan mo silang iwasan kaya maging maingat ka sa pagpili ng magiging employer mo. Makabubuti rin kung maghahanap ka sa mga legit na Outsourcing sites na talaga naman makakatulong sa’yo.

1. Fiverr - Ito ang gustung-gusto ng mga employers dahil sa site na ito ay makakakuha agad sila ng empleyado na ang starting rate ay nasa $5 lang. Sa kabila ng mababa nilang umpisa, sinisiguro naman na ang mga nagtatrabaho dito ay mayroon talagang kakayahan. Gayunman, kapag naman dumadami ang trabaho na iniu-offer nila’y tumataas din ang iniu-offer nilang gustong magiging sahod.

2. People per Hour - Marami ka rin makukuhang trabaho rito kaya huwag ka na magpatumpik-tumpik pa. Kailangan mong magmadali dahil sa unang tatlong buwan ka lamang magiging libre. Sa mga susunod na buwan kasi ay may babayaran ka na. Gayunman, marami ka namang trabaho na makukuha. Kailangan lang talaga ay magtiyaga ka.

3. Onlinejobs - Marami ka ring trabaho na makukuha rito kaya huwag mo na palalampasin ang pagkakataon. Sa isang araw ay maaari kang makapag-submit ng 10 application kaya siguraduhin mong magagawa mong piliin ang best job para sa’yo. Huwag lang doon sa malaki ang kita kundi doon sa magagawa mo talaga.

4. Guru - Isa ito sa mga naunang Outsourcing sites kaya naman marami ring employers ang nagtitiwala rito lalo na’t sila ay magagawa ring protektahan. Maari kasi nilang ma-refund ang kanilang pera kapag hindi nagustuhan ang kanilang trabaho.

Kaya, kung gusto mo na magkaroon ng trabaho at mayroon ka namang Internet, huwag ka na mag-aksaya pa ng panahon. Mag-scroll ka na sa mga website na ito na talaga namang makakatulong sa’yo para ikaw ay magkaroon ng online job.

No comments