Post You Might Like

Mga nunal, may kinalaman sa’yong pagkatao

MALAKING ekis ang ibibigay ko sa’yo kapag sinabi mong dekorasyon lang sa ating katawan ang mga nunal. Dahil ang mga nunal ay hindi lamang idinesenyo para malaman mo kung anong klaseng tao ka. Hindi naman kasi maaaring lahat ng tao ay may pare-parehong kapalaran. Sa ayaw mo man at sa gusto, iba-iba ang ating kapalaran.


Kaya, dapat lang naman talaga na ating tanggapin iyon kahit masakit sa dibdib. Kahit pa sabihing nagdurugo ang ating puso. Kung hindi mo kasi tatanggapin na hindi maaaring ang kapalaran niya ay magiging kapalaran mo rin, magiging miserable ka lang. Puro negative ang mararamdaman mo dahil hindi ka makakaramdam ng kakuntentuhan.

Bawat isa naman kasi sa atin ay may kanya-kanyang kapalaran. Iyon nga lang, dahil sa mayroon sa atin ang nakakaangat, hindi maiwasan ng iba ang makaramdam ng inggit. Kung minsan pa nga ay sisiraan para lang maagaw niya ang suwerte nu’ng tao. Gayunman, sa huli ay madi-disappoint ka lang, paano ba naman kasi, hindi mo siya tuluyang napabagsak. Katunayan, nararamdaman mong ikaw ang unti-unting nalalaglag.

Alam mo ba kung bakit? Ito ay dahil sa mga nunal na nasa inyong mukha at katawan. Nakakalungkot mang tanggapin pero mayroon naman talagang taong ipinanganak na suwete at malas. Ang mga taong suwerte ay nakukuha ang kanilang gusto na walang kahirap hirap at ang taong malas naman ay panay-panay ang pagsisikap na ginagawa pero hindi pa rin makuhang maging successful. Laging may humahadlang sa kanilang pangarap at kadalasan nga hindi sila nawawalan ng problema. Kung hindi pa sila tutulungan ay hindi sila makakaalis sa pagiging miserable.

Bakit nga ba ganito?

Bawat tao kasi ay may kanya-kanyang kapalaran at malaki ang kinalaman ng kanilang nunal kung bakit sila nagtatagumpay o minamalas. Ikaw, handa ka bang malaman kung ano ang kahulugan ng iyong nunal?

Bago ka magsabi ng ‘oo’ kailangan mo munang ihanda ng husto ang iyong sarili. Hindi kasi ako nakakasiguro kung masisiyahan ka nga ba sa aking sasabihin. Baka nga makaramdam ka pa ng galit dahil ang pwesto ng lugar mo ay nasa maling bahagi ng iyong katawan.

Ngunit, sapat na ba ito para maisipan mo agad ang pagsuko. Huwag naman. Kailangan kasi ay magawa mo ring lumaban. Ipakita mo na kahit malas ang pagkakatubo ng iyong nunal ay gagawin mo pa rin ang lahat para mag-succeed ka sa buhay.

Anong ibig sabihin ng nunal mo? I-comment mo dito kung nasaang bahagi ng mukha o katawan mo ang iyong nunal at sasabihin ko kung anong ugali mo. 

26 comments:

  1. nunal sa loob ng puti ng mata sa kanan

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. kapag sa kanang hita ikaw ay may tsansa na makapag-abroad. kung sa kaliwang hita naman ikaw ay artistic pero may katamaran.

      Delete
  3. Replies
    1. kung sa kanan, mapagkakatiwalan ka. kung sa kaliwa, palagay mo ikaw lagi ang tama kaya madalas ka makipagtalo

      Delete
  4. Nunal sa kanang dibdib at batok

    ReplyDelete
    Replies
    1. habulin ka ng opposite sex sa batok . mapagmahal sa dibdib

      Delete
  5. Ang nunal ko po ay mlpit s kaliwang mata n nklgay s ilong

    ReplyDelete
  6. nunal sa kaliwang bahgi nh mukha, sa noo at sa baba

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa baba, prangka ka. Kaya tingin ng masami sa'yo ay masama ang ugali mo. Gayunpaman, alam mo rin naman sa sarili mo na may nega kang ugali.

      Delete
  7. Nunal na malapit sa kaliwang ilong

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasa ilong po ba o nasa pisngi?

      Kung nasa ilong po, ang kaliwa po ay nagsasad ng hirap ng buhay samantalang kung nasa liwang pisngi may nega na ugali.

      Delete
  8. Malaking nunal sa dulo ng kang kilay at ka ang pisngi,May dalawang nunal din acuh sa left and right s Bandung taas ng lips q,Ano po ang ibig sabihin nun,?

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung sa knan makakapa asawa ka ng maaga, sa kaliwa nmn ay paghihirap. sa lips nmn mabait kaya gustong kasama plagi.

      Delete
  9. Nunal sa ibaba ng bibig sa kanan

    ReplyDelete
  10. nunal sa puti ng mata sa kaliwa

    ReplyDelete
    Replies
    1. magdasal ka palagi. kalimitan kasi, namamatayan ang mga mayroong nunal sa kaliwang mata.

      Delete
    2. hala mam angela... :( mamamatayan po ng ano? Kaibigan? kamaganak? magulang? or yung mahal?

      Delete
    3. Ipanalangin mo na lang na hindi magkatotoo. huhuhu. Yoko din magsabi ng masyadong bad.

      Delete
  11. nunal sa itaas ng labi sa may kanan. sa kanan balikat .at sa kilikili kanan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kanang labi, mabait pero magastos. kanang balikat, mapagkakatiwalaan.kilikili, matalino, goodlooking at masipag.

      Delete
  12. Nunal po sa may kaliwang panga na malapit sa tenga, at sa kaliwang braso.

    ReplyDelete
  13. Dalawang nunal po sa kaliwang pisnge.puro buhay..anu pong ibg svhen,

    ReplyDelete