Post You Might Like

Karera ng 6th NPC-Philracom Benefit Cup, maringal

PATULOY na umaangat ang kalidad ng mga kabayong pinatatakbo ng mga hinete dahil sa galing at husay na pamamahala at programa ng Philippine Racing Commission (Philracom).
Kasabay nito, ang implementasyon ng rating-based handicapping system na bunga ng pakikipagisa ng Philracom sa International Federation of Horseracing Authorities (IFHA).
Layunin ng pagiging miyembro ng IFHA ang pagsulong ng mas positibong regulasyon na naaayon sa panga-ngailangan ng mga horse owners, jockeys at mga tagasubaybay.
Dahil miyembro na ang Pilipinas ng IFHA (International Federation of Horseracing Authorities), sinusunod na ng Pinas ang IFHA Rules on Naming Horses. Ito ay kino-coordinate ng Stud Book Authority ng Philracom, at sinusumite sa IFHA ang mga pangalan ng registered horses.



NPC – PHILRACOM BENEFIT CUP: Starting gate pa lang ready na ang mga hinete at kabayo sa pagtakbo, pagbukas ng electric barrier ang mga kabayo ay mabilis na nag-unahan upang marating ang finish line kung saan ang kabayong si Lucky Julliane (6) na sinakyan ni jockey OP Cortez ang kinilalang kampeon sa 6th NPC Philracom Benefit Cup Race na ginanap sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite, kamakailan.  (Mga larawan: ARTURO DE VERA, JR.)


Ayon sa rules, bawal ang pangalan na sobra sa 18 titik at espasyo; pangalan na nasa List of Protected Names (usually mga sikat na kabayo tulad nila Curlin, English Channel, Barbaro); pangalan ng sikat na tao, na walang pahintulot; pangalan ng negosyo o ginagamit sa komersiyo, na walang pahintulot; kung ito ay sinusundan ng numero; kung ito ay may kasamang initials, figures, hyphens, full stops, commas, signs, exclamation marks, inverted commas, forward or back slash, colon, at semi-colon; kung ito ay may bastos o nakakainsultong kahulugan; kung sa pagkabigkas ng pangalan ay kahawig ito ng pangalan na nasa listahan ng Protected Names; kung ito’y nag-uumpisa sa simbolo na hindi titik.

Kasama sa List ng Protected Names ang pangalan ng mga main stallions at broodmares na nairehistro ng International Stud Book Committee; ng mga flat at jump champions na isinumite ng isang Horseracing Authority; at pangalan ng winners ng ilang piling importanteng karera. Noong Enero 2008, mayroon nang 4,449 pangalan sa List of Protected Names.

Samantala, elegante, kahanga-hanga, engrandeng nagtagisan ng diskarte ang mga hinete sa bilis ng pagpapatakbo ng mga kabayo sa ginanap na 6th NPC-Philracom Benefit Cup sa San Lazaro Leisure and Business Park, Carmona, Cavite, kamakailan. Sa karera, hindi nagpadaig ang kabayong Lucky Julliane na sinakyan ni jockey OP Cortez.

Bumandera ang outstanding favorite na Headmastership ngunit hinabol ito ng kabayong California Garden hanggang sa dumating sa huling kurbada ay naagaw ng Lucky Julliane ang liderato at nanalo nang may malayong agwat sa pumangalawang Top Secret. Tumanggap si jockey Cortez ng P200,000 at tropeo mula sa National Press Club at Philracom.

No comments