Post You Might Like

Iba’t ibang paraan para ika’y suwertehin

Ibig nating magkaroon ng maraming-maraming pera kaya naman gusto nating mag-boom ang ating negosyo, makapunta tayo ng abroad, mapamanahan at kung anu-ano. Ngunit, hindi mo makakamit ang mga bagay na iyong inasam kung wala kang goodluck charmer o pampasuwerte. At sa artikulong ito ay ibabahagi ko sa inyo ang Iba’t ibang paraan para ika’y suwertehin. 


Una, maging mabait ka sa lahat ng pagkakataon. Sabi nga, anuman ang ginagawa mo ay mayroong balik sa’yo kaya nga mayroong good at bad karma.  Mapatao man o mapahayop, huwag na huwag mo silang sasaktan dahil anuman ang ginawa mo, babalik din sa’yo. Kadalasan, doble o triple pa kaya’t bakit mo pa gugustuhing gumawa ng masama gayung pwede namang kabutihan ang gawin mo.

Pangalawa, siguraduhing nakaharap sa araw ang iyong tahanan. Magiging maganda ang pasok sa’yo ng pera kapag nakaharap ka sa sinagan ng araw. Para kasing nangangako ito ng isang magandang umaga. Kaya kung mapapansin mo, kapag ang iyong tahanan ay nasisikatan ng araw, hindi mabigat ang iyong buhay. Wala ka mang pera, siguradong hindi ka mahihirapan.

Pangatlo, bilangin ang baitang ng iyong bahay. Ang baitang ng bahay mo ay may kinalaman din kung bakit ka mapalad o minamalas. Kaya nga kailangan maging maingat ka kapag pinapataasan mo ang iyong bahay. Bawat paghakbang mo ay kailangan mong bigkasin ang ORO, PLATA at MATA. Kung ano ang magiging katapusan ng pagbilang mo ay iyon ang makakapagsabi kung anong buhay mayroon ka. Tandaan mo ito. ORO, gold. Kaya susuwertehin ka kapag magtatapos sa katagang ito ang pagbilang mo. PLATA, silver. Kung may business ka, magiging ayos din ang iyong negosyo. Samantalang kung MATA, mamalasin ka. Bad luck kasi ang ibig sabihin nito kaya magiging miserable ang buhay mo at may mga kakaibang nilalang ka pang makakasama sa inyong tahanan.

Pang-apat, maging malinis sa kapaligiran. Madaling pumasok sa tahanan mo ang suwerte kung magiging mayos ka lang. Kahit naman daw kasi ang suwerte ay umalis din kapag hindi niya nagugustuhan ang kanyang nakikita.

Panlima, piliin ang iyong dekorasyon. Dapat light lang ang pintura ng bahay mo para maaliwalas ang dating. Agad papasok ang suwerte sa’yong buhay. Huwag na huwag kang magdedekorasyon ng matutulis at mababangis dahil itataboy niyan ang suwerteng darating sa’yong buhay.

Pang anim, mag-iwan lagi ng barya sa wallet. ‘Yan ang magsisilbing pampasuwerte mo sa’yong buhay. Kahit kasi mawalan ka ng trabaho, sigurado pa ring makaka-survive ka pagdating ng oras.

O, sana ay nasiyahan kayo sa artikulong ito at nawa’y makatulong sa’yo ang Iba’t ibang paraan para ika’y suwertehin.








No comments