Post You Might Like

Disiplina ba ang kailangan para umasenso?

Disiplina ba ang kailangan para umasenso? Buong diin akong sasagot ng ‘oo’ dahil talaga namang hindi mo makukuha kung anuman ang iyong pinapangarap kung hindi mo kayang disiplinahin ang iyong sarili. Siyempre, ang focus mo ay wala sa’yong pangarap.


Kung susuriin mo ang buhay ng iyong mga kakilala, ang mga taong walang disiplina ay siyang mayroong miserableng buhay. Kaya, walang magandang nangyayari sa kanilang buhay. Wala kasi silang focus. Ang resulta, hindi nila nakukuha ang kanilang gusto.

Ikaw, may disiplina ka ba?

Naniniwala ka rin bang ang disiplina ay may malaking kaugnayan sa pag-asenso?

Ilang teenagers ang tinanong ko kung Disiplina ba ang kailangan para umasenso. Heto ang kanilang sagot.


Kaye San Agustin, 14
Opo disiplina ang kailangan kung gusto nating umasenso. Mabuti na lang at ginagabayan ako ng Mommy at Daddy ko para hindi ako mapariwara.

Gusto ko maging doktor pagdating ng araw, kaya dapat lang na mag-aral akong mabuti. Hindi ako nakikipag-barkada. Okay lang naman na magkaroon ako ng kaibigan o mga kaibigan pero kailangan ko siyempreng mamili. Kailangan ang mga makakasama ko ay iyon ding mayroong pangarap. Hindi naman nakaka-bored ang mag-aral. Para sa akin, exciting iyon. Kapag nag-aral kang mabuti, sure na magkakaroon ka ng magandang buhay.

Andrea, 15
Para sa akin, ito nga ang the best way para umasenso. Habang hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral, sundin mo muna ang lahat ng gusto ng iyong mga magulang. Tulad ng ginagawa ko. Sabi ni Mommy, hindi na raw ako mahihirapang sumunod sa gusto ng ibang tao kung ngayon pa lang ay marunong na akong sumunod.

Pol, 17
Ayoko talaga ng may taong sinusundan. Kung ano ang gusto iyon ang dapat na masunod. Kaya lang, kung hindi ko naman didisiplinahin ang sarili ko, mapapahamak ako. Hindi ko gustong mangyari iyon. Kaya, natututo na akong sumunod.

Para naman maging fair ang interview, nagtanong din naman ako sa ilang matatanda kung naniniwala ba silang Disiplina ba ang kailangan para umasenso

Jhen, 32
Masyado akong naging pasaway nu’ng aking kabataan kaya masasabi kong hindi ako marunong sumunod sa batas na ipinatupad ng aking mga magulang. Maaga tuloy akong nagkaanak. Gayunman, hindi ko naman ‘yan pinagsisihan. At ngayon nga ay bumabawi ako kaya ipinamumulat ko sa aking anak ang kahalagahan ng disiplina.

Angela, 39
Walang mangyayari kung babalikan ko pang minsan ay nakalimutan ko ang katagang ‘disiplina’ kaya ngayon ay hindi okay ang buhay ko tulad ng iba. Pero, ginagawa ko ang lahat para naman ako ay umasenso ngunit bago ko magawa iyon, kailangan ko muna talagang matutunan ang wastong disiplina.

Salamat sa pagbasa sa Disiplina ba ang kailangan para umasenso.

No comments