Post You Might Like

Chinese Horoscope September 9


Tunghayan ang Chinese Horoscope September 9 ni Madam Juliet.                   
                                                                                                                                                                                          
Daga
Kung gusto mo talagang umayos ang buhay mo, makipag-usap ka nang mayos at maging magalang ka palagi. Lucky numbers mo ang 1 at 5.

Baka
Kahit gaano pa kabigat ang iyong dinadalang problema, relax ka lang diyan. Magagawa mo rin naman ‘yang masolusyunan sa takdang araw. Ingat lang palagi at huwag na huwag mong pababayaan ang iyong sarili. Lucky numbers 8 at 15.

Tigre
Maghanap ka ng mga impormasyon na makakatulong sa’yo para mas gumanda ang buhay mo. Makabubuti rin kung magsaliksik ka ng mga tips para mas gumanda ang relasyon mo sa’yong minamahal. Lucky numbers mo ay 2 at 3.

Kuneho
Mayroon kang pangarap na gusto mong matupad at magagawa mo iyon kung magiging determinado ka. Ang kailangan mong gawin, palisin sa puso mo ang lahat ng sakit na iyong nararamdaman. Lucky numbers mo ang 3 at 9.

Dragon
Kung hindi ka masaya sa’yong trabaho, iwanan mo na. Tanungin mo lang ang iyong sarili, kaya mo ba talaga? Baka naman kasi sa huli, wala kang perang mahagilap. Lucky numbers 4 at 25.

Ahas
Maging masigla ka para magawa mo nang maayos ang iyong trabaho. Lucky numbers mo ang 3 at 10.

Kabayo
Kung hindi ka naman pala handang makinig, huwag ka na manghingi ng payo. Ikaw lang din naman kasi ang mahihirapan niyan. Huminga ka na lang nang malalim at ihanda mo na lamang ang sarili mo sa kung ano ang nakatakdang mangyari dahil sa katigasan ng iyong ulo. Lucky numbers 8 at 17.

Tupa
Maging malinis ka sa’yong kapaligiran at susuwertehin ka. Kaya pirmi mong tatandaan, kung magiging makalat ka, magiging miserable ang iyong buhay. Lucky numbers mo ang 3 at 28.

Unggoy
Huwag mo naman pabayaan ang sarili mo sa labis na kakatrabaho. Magkakasakit ka niyan. Dapat ay magpahinga ka rin. Lucky numbers mo ang 11 at 39.

Tandang
Makukuha mo ang lahat ng gusto mo kung mayroon kang determinasyon. Lucky numbers mo ang 15 at 16.

Aso
Magiging maganda ang buhay mo kung matututo kang magbalanse sa lahat ng bahay. May oras sa trabaho, may oras din para sa pamilya at dapat lang na magkaroon ka ng oras para sa’yong sarili. Lucky numbers mo ang 3 at 38.

Baboy
Alam mo naman ang dapat mong gawin kaya kumilos ka na bago pa mahuli ang lahat. Lucky number mo ang 1.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 9.










No comments