Post You Might Like

Chinese Horoscope September 8

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 8 ni Madam Juliet.                                                                                                                                                                                       
                      

Daga
Ito na ang panahon para mas pag-ukulan mo ng pansin ang taong mahalaga sa’yo. Huwag mo hayaang maisip niya na hindi mo naman siya pinahahalagahan. Lucky numbers mo ang 2 at 6.

Baka
Huwag kang masyadong mainipin dahil hindi ka rin magiging happy. Matuto kang maghintay kung talagang gusto nong suwertehin. Lucky numbers 5 at 7.

Tigre
Marami kang gastos na kakaharapin kaya kailangan mong mag-isip. Mag-budget ka ng husto para hindi ka kapusin. Lucky numbers mo ay 1 at 9.

Kuneho
Kung single ka, happy ka sa lovelife mo. Mahal na mahal ka kasi ng mahal mo. Kung ikaw naman ay mayroong asawa, mas masaya ka dahil kontento ka sa buhay mo. Sa piling ng iyong asawa at anak o mga anak. Lucky numbers mo ang 2 at 6.

Dragon
Makipag-usap ka sa dati mong kaklase o katrabaho. Magiging daan ‘yan para gumaan ang pakiramdam mo.  Lucky numbers 3 at 8.

Ahas
May mga desisyon ka na maaaring maging daan para mabago ang buhay mo. Lucky numbers mo ang 6 at 9.

Kabayo
Huwag kang bili nang bili ng hindi mo naman kailangan. Sige ka, baka dumating ang araw na mamulubi ka. Lucky number 4.

Tupa
Ang utak mo ba ay maraming iniisip. Natural lang ‘yan. Ganyan ang taong matatalino. Kaya, huwag mo ‘yang gagamitin sa pag-isip ng masama sa’yong kapwa. Lucky numbers mo ang 1 at 8.

Unggoy
Buksan mo ang puso mo at magiging maligaya ka. Masarap naman kasi talaga ang magmahal. Ang kailangan mo lang gawin, piliing mabuti ang taong iyong mamahalin. Kaya, kilalanin mo muna siya. Lucky numbers mo ang 3 at 8.

Tandang
Kapag ang isang samahan ay namantsahan na, hindi na maibabalik pa sa dati kahit na humingi kayo ng kapatawaran sa isa’t isa. Lucky number mo ang 3.

Aso
Ano nga ba ang susunod mong gagawin? Kung hindi ka rin sigurado, huminto ka muna at mag-isip. Kailangan kasing masiguro mo muna sa sarili mo kung ano ang dapat mong gawin. Lucky numbers mo ang 3 at 4.

Baboy
Kung alam mong tama ka, walang dahilan para ikaw ay matakot. Dapat mong ipaglaban kung ano ang tama. Huwag na huwag magpapaapi lalo na sa hindi mo naman kalahi. Lucky numbers mo ang  1 at 17.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 8.

1 comment:

  1. july 3 1982 po birthday ko,anu po swerteng naqhihintay skin.anu po lucky charm ko at lucky color.anu po pang ppa swerte sa neqosyo sa tulad kung taong 3,salamat po

    ReplyDelete