Post You Might Like

Chinese Horoscope September 7

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 7 ni Madam Juliet.                                                                                                                                                                                      
                       

Daga
Ikaw ang bahalang tumuklas kung ano ba ang sagot. Kapag nagawa mo ‘yan, mas masisiyahan ka. Sigurado kasing susuwertehin ka ng husto. Lucky numbers mo ang 5 at 9.

Baka
Magpaganda ka na dahil ayon sa’yong kapalaran, ngayon mo na makikita ang taong itinadhana sa’yo. Congrats, hindi ka na tatandang nag-iisa. Lucky numbers 3 at 7.

Tigre
Magtrabaho ka lang ng husto at magkakaroon ka ng magandang kapalaran. Huwag ka lang gagawa ng masama sa’yong kapwa at siguradong mamalasin ka. Lucky numbers mo ay 6 at 9.

Kuneho
Ang pamilya mo ang iyong magiging karamay palagi. Kaya, kung may problema ka, sabihin mo sa kanila. Tanging sila lang ang makakatulong sa’yo. Papagaanin pa nila ang loob mo at todo todo ang pagsuporta nila sa’yo. Lucky numbers mo ang 2 at 3.

Dragon
Hindi mo na kailangan pang sumagot para malaman ng kausap mo ang sagot, sapat na ‘yung pagmasdan niya ang iyong reaksyon. Lucky numbers 1 at 5.

Ahas
Ang tunay na kaligayahan ay mararamdaman mo lang kung ikaw ay marunong makontento sa’yong buhay. Lucky numbers mo ang 4 at 40.

Kabayo
Huwag mong dadalhin sa bahay ang iyong trabaho at huwag mong dadalhin sa trabaho ang problema mo sa bahay. Magkaroon ka ng oras sa lahat ng bagay. May oras sa lahat ng bagay, ito ang iyong tatandaan. Lucky numbers 3 at 7.

Tupa
Magagawa mo lang intindihin ang sitwasyon kung magkakausap kayo ng mabuti ng taong nakasamaan mo ng loob. Lucky numbers mo ang 9 at 8.

Unggoy
Dapat alam mo kung sino ba talaga ang iyong ipa-priority. Kung itutuon mo ang oras at atensyon mo sa taong maaari namang mag-goodbye sa buhay mo paglipas lang ng ilang buwan, siguradong magsisisi ka. Lucky numbers mo ang 1at 9.

Tandang
Kung nais mong mag-enjoy, mamasyal ka. Huwag naman puro trabaho ang gawin mo. Kailangan mo rin ang mag-relax. Lucky numbers mo ang 5 at 18.

Aso
Huwag kang masyadong mag-alala. Lahat ng problema ay magagawa mong solusyunan. Kaya, huwag ka lang basta tumayo o humilata riyan, kailangan mo ring kumilos at siguradong uunlad ka. Lucky numbers mo ang 7 at 8.

Baboy
Tingnan mo ang lahat ng gastusin mo. Huwag kang masyadong gastador. Pagtitipid ang susi para ikaw ay umunlad. Lucky numbers mo ang  8 at 16.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 7.

No comments