Post You Might Like

Chinese Horoscope September 3

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 3 ni Madam Juliet.                                                                                                                                                                                                             


Daga (Rat)
Kung itatanong mo sa’yong sarili kung kailan mo makukuha ang iyong suwerte, mariin kong sasabihin sa’yo na ‘ngayon’ na ang araw na iyon. Lucky numbers mo ang 25 at 27.

Baka(Ox)
Kung hindi ka pa handa sa responsibilidad, huwag makipagtalik ngayong araw. Malaki ang posibilidad na makabuntis o mabuntis ka. Lucky numbers 1 at 32.

Tigre (Tiger)
Susuwertehin ka kung lagi kang masaya. Kaya kung may problema ka, solusyunan mo na agad para maging happy ka na rin. Lucky numbers mo ay 7 at 21.

Kuneho (Rabbit)
Huwag kang magpapaloko sa taong laging nakangiti. Hindi siya mabait. Kinukuha lang niya ang atensyon mo para ikaw ay malamangan niya. Lucky numbers mo ang 39 at 43.

Dragon
Huwag kang mamintas kung hindi ka naman perpekto. Tandaan mo, kahit anong ganda ng mukha mo kung puro naman kasamaan ang alam mong gawin, never ka pa ring susuwertehin. Lucky number 1 at 19.

Ahas (Snake)
Huwag kang maging mainipin. Magiging dahilan ‘yan para malasin ka. Kaya, matuto kang magpasensiya para mas gumanda ang iyong buhay. Lucky numbers mo ang 3 at 15.

Kabayo (Horse)
Hindi porke namumuhay ka sa karangyaan ay masaya ka na. Dama mo sa kaibuturan ng iyong puso ay malungkot ka pa rin. Suwerte ka na naman sa alinmang numero kaya lang kadalasan, zero ang lovelife mo.

Tupa(Sheep)
Mahirap maghanap ng tunay na kaibigan kaya kung inabot na ng 5 taon ang friendship ninyo ng iyong BFF, siya talaga ay tunay na kaibigan. Lucky numbers mo ang 8 at 18.

Unggoy (Monkey)
Maghintay ka lang ng ilang oras at makakamtan mo na ang iyong suwerte. Ang kondisyon nga lang, kailangan mong magbanat ng buto. Lucky numbers mo ang 10 at 14.

Tandang(Rooster)
Kapag may problema, solusyunan mo agad, para ang komplikasyon ay hindi magpatung-patong. Ikaw lang din naman kasi ang kawawa kapag nagkasunod-sunod ang pagdating ng kamalasan. Lucky numbers mo ang 6 at 18.

Aso (Dog)
Huwag mong asamin ang bagay na hindi naman talaga para sa’yo. Ikaw lang din naman kasi ang magiging kawawa kapag ipinamukha niya sa’yo na wala kang karapatan sa tao o bagay na iyon. Lucky numbers mo ang 27 at 29.

Baboy(Pig)
Kapag gumawa ka ng mabuti, magandang kapalaran ang makukuha mo. Kapag gumawa ka ng mali, mamalasin ka. Lucky numbers mo ang 13 at 16.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 3.







No comments