Post You Might Like

Chinese Horoscope September 26

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 26 ni Madam Juliet.                                                                                                                                                                                                             


Daga
Magpunta ka sa mga lugar na may matututunan ka. Kung nais mong maging manunulat, mag-attend ka sa writing workshop. Kung nais mong maging pintor, magpunta ka sa painting exhibit. ‘Yan ang magiging inspirasyon mo para maging masigasig ka sa pag-abot ng pangarap. Lucky number mo ang 9.

Baka
May talento kang kailangan mong ibahagi sa mundo para mas magtagumpay ka. Lucky number mo ang 7.

Tigre
Kailangan mong planuhin ang lahat ng bagay. Walang mangyayari kung magpapabigla-bigla ka.  Lucky number mo ay 10.

Kuneho
Magkaroon ka ng paninindigan para magkaroon ka nang maayos na pamumuhay.  Lucky number mo ang 5.

Dragon
Ang iyong responsibilidad ay dapat mong harapin. Hindi mo dapat iasa sa iba dahil mamalasin ka lang. Huwag mo hayang mangyari iyon.  Lucky numbers mo ang 6 at 7.

Ahas
Marami kang gantimpalang matatanggap kung magiging mabuting tao ka lang. Hayaan mo ang mga taong nanakit sa’yong damdamin. Mas maigi kung hindi ka gaganti.  Lucky numbers mo ang 4 at 8.

Kabayo
Alamin mo kung paano mo mapapaganda ang inyong relasyon. Lucky numbers 5 at 15.

Tupa
Maging masipag ka lang at magbubunga ‘yan ng maganda. Ngunit mas epektibo ang iyong tagumpay kung may sarili kang negosyo. Kung nagtatrabaho ka kasi para sa iba, malaki ang tendensiya na maagaw ang lahat ng pinaghirapan mo.  Lucky number mo ang 11.

Unggoy
Huwag kang masyadong mahiyain. Dapat ay lakasan mo ang loob mo. Lucky number mo ang 1.

Tandang
Ngumiti ka lang at lahat ng gustuhin mo ay magagawa mo. Kailangan kasi bago mo gawin ang isang bagay ay maging positibo ka para makita ng ibang tao ang iyong determinasyon.  Lucky number mo ang 19.

Aso
Kanino mo ba gustong ialay ang iyong tagumpay? Isipin mo siya o sila at magagawa mo ng maganda ang iyong trabaho. Kung may sama ka ng loob sa kanila, alisin mo na. Walang mangyayari kung punung-puno ka ng negative vibes.  Lucky numbers mo ang 4 at 10.

Baboy
Hindi dapat laging ikaw ang nasusunod sa inyong relasyon. Alalahanin mo rin ang partner mo. Baka hindi mo alam, sobra-sobra na siyang nasasaktan. Huwag mo namang hayaang lagi na lang magdugo ang puso niya dahil sa’yo. Sige ka, baka isang araw ay matauhan na siyang hindi ka pala karapat-dapat mahalin.  Lucky number mo ang  15.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 26.

















No comments