Post You Might Like

Chinese Horoscope September 25

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 25 ni Madam Juliet.                                                                                                                                                                                                             


Daga
Kung hindi mo sasabihin ang laman ng utak mo, walang makakaalam niyan. Iyon ba ang gusto mo? Pero, paano magkakaroon ng katuparan ang mga desisyon mo kung hindi mo ibabahagi? Kaya, I-share mo na para mapakinabangan.  Lucky number mo ang 13.

Baka
Alamin mo kasi ang mga dapat mong gawin. Huwag ka lang basta makuntento kung ang naririyan. Kailangan ay alam mo kung ano ba ang makakabuti at magdadala sa’yo ng suwerte. Lucky number mo ang 10.

Tigre
Marami kang trabaho na dapat harapin kaya naman napapabuntunghininga ka na lang. Hindi mo na kasi alam kung paano tatapusin. Iwasan kasi ang maging mayabang. Trabahuhin mo lang kung ano ang kaya mo.  Lucky number mo ay 11.

Kuneho
Hindi mo lang alam pero mahal na mahal ka ng partner mo kaya maniwala at magtiwala ka sa kanya. Huwag mo hayaang ma-badtrip siya sa’yo.  Lucky number mo ang 5.

Dragon
Maging responsable ka sa lahat ng oras. Magkakaroon ka ng miserableng buhay kapag naging tamad ka. Huwag mo hayaang mangyari iyon. Lucky number mo ang 13.

Ahas
Marami kang gantimpala na matatanggap. Nagbunga na rin kasi ang mga paghihirap mo. Lucky numbers mo ang 13 at 28.

Kabayo
Kahit gaano ka kaabala, kailangan naman ay magkaroon ka ng oras sa’yong mahal. Huwag mo siyang pababayaan kung ayaw mo siyang mawala sa buhay mo. Lucky numbers 6 at 15.

Tupa
Lahat naman ng tao ay mayroong gustong mangyari sa kanilang buhay kaya isipin mo kung ano ang iyong pangarap. Lucky number mo ang 4.

Unggoy
Kung nahihiya ka, mag-ipon ka na ng lakas ng loob. ‘Yan kasi ang paraan para makuha mo na ang suwerteng iyong inaasam. Lucky number mo ang 3.

Tandang
Kanino mo ba ibabahagi ang iyong buhay? Kung marami kang manliligaw ngayon, pakaisipin mo kung sino sa kanila ang gusto mong makasama sa habambuhay. Lucky number mo ang 8.

Aso
Kung malungkot ka ngayon, labanan mo ang kalungkutan na ‘yan. Kailangan, palagi kang maging positive. Kaya, lakasan mo ang loob mo, maging responsable ka at determinado. Lucky numbers mo ang 13 at 19.

Baboy
Matuto kang makiramdam. Kung alam mong may mali, tuklasin mo na kung ano iyon dahil may panganib na nagbabanta sa’yo.  Lucky number mo ang  5.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 25.


















No comments