Post You Might Like

Chinese Horoscope September 23

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 23 ni Madam Juliet.               
                                                                                                                                                                                              

Daga
May kakaibang mangyayari ngayon sa relasyon ninyo ng partner mo. Pupuwedeng maghiwalay kayo o mag-level up. Kung anuman iyon, kailangan mong mapaghandaan dahil magbabago ang buhay mo. Mag-enjoy ka lamang. Lucky number mo ang 16.

Baka
Huwag kang maging mapaglaro kung ayaw mong makarma pagkaraan.  May bukas pa naman. Lucky number mo ang 1.

Tigre
Madali lang namang ayusin ang problemang dumating sa’yo. Maging tapat ka lang.  Lucky numbers mo ay 8 at 19

Kuneho
Huwag kang magpakita ng pangit sa’yong kapwa para hindi bumalik sa’yo ang mga kasamaang iyong ipinakita. Ikaw din kasi ang magiging kawawa.  Lucky number mo ang 18.

Dragon
Maging mapagpasensiya at magtiyaga ka. Kapag nagawa mo ‘yan magkakaroon ka ng maganda at maayos na buhay. Lucky number mo ang 8.

Ahas
Huwag kang maging traydor dahil hindi magiging lubos ang iyong kasiyahan. Babagsak ka rin. At sa’yong pagbagsak, mas magdurusa ka dahil ‘yan ang iyong magiging kaparusahan sa lahat ng kasamaang nagawa mo.  Lucky numbers mo ang 3 at 8.

Kabayo
Binabati kita. Magkakaroon ka na naman ng santambak na suwerte. Maghintay ka lang at huwag na huwag susuko.. Lucky numbers 13 at 52.

Tupa
Ang problema ng magkarelasyon, dapat na inaayos. Huwag mo ring hahayaan na may ibang taong makikialam sa inyo. Kahit pa sabihing sila ay malalapit sa inyong mga puso. Ang dapat mong tandaan, kayo ang magkasama kaya sundin ninyo ang sinasabi ng mga puso ninyo. Lucky number mo ang 10.

Unggoy
Hindi laging tatahakin mo ang tuwid na landas. Dapat lang na paghandaan mo ang mga pagsubok para dumating ang sandaling mapaghandaan mo ang tagumpay. Lucky number mo ang 31.

Tandang
Huminga ka na lang ng malalim. Kailangan ay maging handa ka palagi. May mangyayari sa’yong buhay na magdudulot sa’yo ng sobrang kasiyahan o kalungkutan. Lucky number mo ang 17.

Aso
Kailangan ay maging mabait ka sa lahat ng tao. Kung siya ay masama sa’yo gawan mo pa rin siya ng kabutihan at ikaw ay pagpapalain. Lucky numbers mo ang 3 at 15.

Baboy
Maging makatwiran ka. Huwag kang basta-basta maniniwala sa sinasabi sa’yo. Dahil maakusahan kang uto-uto.  Huwag ka ring gagawa ng anumang bagay na makakapanakit sa ibang tao. Lucky number mo ang  14.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 23.




















No comments