Post You Might Like

Chinese Horoscope September 22

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 22 ni Madam Juliet
                                                                                                                                                                                                            

Daga
Mayroong oras sa lahat ng bagay kaya huwag kang magmadali. Mag-enjoy ka lamang. Lucky number mo ang 6.

Baka
Ito ang tamang pagkakataon para bumawi ka sa iyong pamilya kaya huwag mo munang intindihin ang iyong trabaho. May bukas pa naman. Lucky numbers mo ang 5 at 9.

Tigre
Masuwerte ka kung mayroon kang karelasyon, siya ang magiging gabay mo para makaiwas ka sa bisyo at disgrasya. Ikaw kasi ang tipo ng tao na masarap magmahal. Lucky numbers mo ay 9 at 35

Kuneho
Huwag kang masyadong mag-enjoy. Dapat intindihin mo rin kung may gagastusin ka pa bukas.  Lucky number mo ang 7.

Dragon
Huwag kang masyadong mag-alala, makakasama ‘yan sa’yong kalusugan. Easy lang, lahat naman ng problema ay may solusyon. Lucky number mo ang 2.

Ahas
Hayaan mo lang ang iyong kapalaran ang magsasabi kung ano ba ang dapat na mangyari.  Lucky numbers mo ang 6 at 14.

Kabayo
Hindi ka na magkakaroon pa ng problema sa pera. Mula kasi ngayong araw na ito ay susuwertehin ka na ng husto kaya laging gumawa ng kabutian para laging pagpalain. Smile lang palagi. Lucky numbers 3 at 5.

Tupa
Bibilis ang mga pangyayari sa buhay mo kaya kailangan mong maging handa. Baka kasi mapahamak ka kapag hindi ka nakapagpaliwanag ng mabuti. Magtiwala ka sa kanila. Lucky number mo ang 1.

Unggoy
Balewalain mo na lang ang mga taong hindi naman importante sa buhay mo. Ang pahalagahan mo ay iyong mga taong laging nagmamalasakit sa’yo. Madali lang naman silang makilala dahil malapit silang talaga sa’yong puso.  Lucky numbers mo ang 3 at 33.

Tandang
Bad mood ka ba? Naku, palisin mo na ang negative emotion na ‘yan dahil baka malasin ka. Ngumiti ka na lang palagi para maging okay ang iyong buhay. Tiyak na tiyak kasing susuwertehin ka. Lucky number mo ang 7.

Aso
Makipag-usap ka sa taong matagal mo ng ‘di nakikita. Huwag mo hayaang magalit pa sa mga taong wala namang ginagawa sa’yo kundi ang pagmalasakitan ka Lucky numbers mo ang 17 at 39.

Baboy
Huwag ka na mag-isip kung paano mo mapapaganda ang isang proyekto dahil mayroon namang tutulong sa’yo.I-welcome mo sila palagi sa’yong buhay para mas suwertehin ka. Lucky number mo ang 3.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 22.

No comments