Post You Might Like

Chinese Horoscope September 21

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 21 ni Madam Juliet.                                      
                                                                                                                                                                       

Daga
Nakatakdang magbago ang lahat. Hindi mo naman kailangang matakot dahil may bagong oportunidad na sa’yo ay darating. Lucky numbers mo ang 5 at 12.

Baka
Ang tagumpay ay madaling makuha kung paghihirapan mo. Lucky number mo ang 10.

Tigre
Huwag mong hayaang maloko ka ng mga taong nagpapanggap na nag-aalok ng magandang trabaho dahil may ibang layunin lang. Kaya, kung may kakaiba ka ng nararamdaman, lumayo ka na para hindi ka mapahamak. Lucky numbers mo ay 17 at 25

Kuneho
Magkakaroon ka ng bagong karelasyon ngunit hindi ka magiging masaya. Alam mo ba kug bakit? Niloloko mo lang kasi ang sarili mo. Sa puso mo kasi, may ibang nagmamay-ari niyan.  Lucky number mo ang 7.

Dragon
Masisiyahan ka na naman sa sorpresang ibibigay sa’yo ng mahal mo. Ang tanong, anong nagawa mo para sa kanya? Huwag kang masyadong makasarili.  Lucky number mo ang  8.

Ahas
Huwag kang masyadong bulag sa salapi. Kung nais mong magkaroon ng limpak-limpak na pera, maghirap ka. Kung kukunin mo lang ‘yan sa madalian ay mawawala rin ‘yan agad. Kaya, huwag kang gagawa ng masama sa kapwa mo Lucky numbers mo ang 12 at 48.

Kabayo
Kapag natapos mo na ang proyekto mo, magsaya ka na. Lucky numbers 3  at 5.

Tupa
Mag-enjoy ka pala. Huwag  mong sarilinin ang problema. May mga kapamilya ka at malalapit na kaibigan na masasabihan mo ng iyong pinagdaraanan. Magtiwala ka sa kanila. Lucky number mo ang 9.

Unggoy
Huwag ka ng mapikon kung hindi nasusunod ang mga gusto mo. Tandaan mo na lang na may dahilan ang lahat.  Lucky numbers mo ang 9 at 29.

Tandang
May mga napatunayan ka na kaya huwag ka na magdagdag pa ng trabaho para lang mapansin. Hindi mo kailangang maging KSP o kulang sa pansin. Ang kailangan mo kasi ay magpahinga. Lucky number mo ang 3.

Aso
May makikilala kang mababait na tao na magbibigay sa’yo ng magandang kapalaran. I-welcome mo sila sa’yong buhay. Magkakaroon ka ng magandang buhay dahil sa kanila kaya huwag kang magpabaya. Lucky numbers mo ang 7 at 9.

Baboy
Hindi mo naman kailangan pang i-flirt ang asawa mo, mahal ka niyan. Huwag ka lang sanang umabuso. Tandaan mo, ang pagmamahal ay mauubos kapag inalis na ang respeto.  Lucky number mo ang 1.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 21.

No comments