Post You Might Like

Chinese Horoscope September 20

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 20 ni Madam Juliet.                                                                                                                                                                                                             


Daga
Kung mayroon kang trabaho, pagbutihin mo ang iyong ginagawa. Mahalin mo ‘yan para ikaw ay suwertehin. Lucky numbers mo ang 6 at 13.

Baka
Huwag kang maging mainipin. Hindi ‘yan makakatulong para magkaroon ka ng magandang buhay. Ang dapat, maging mapagpasensiya ka. Lucky number mo ang 1.

Tigre
Huwag kang masyadong mataranta. Easy ka lang. Lalo ka kasing maguguluhan dahil hindi mo nagagawang magamit ng husto ang utak mo.  Lucky numbers mo ay 7 at 15

Kuneho
Magiging mapangahas ka ngayon pero sa kabila noon, lalabas pa rin ang pagiging mahiyain mo.  Lucky number mo ang 3.

Dragon
Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo. ‘Yan ang magbibigay sa’yo ng suwerte.  Lucky number mo ang  5.

Ahas
Huwag kang mangako kung hindi mo naman kayang panindigan. Makakasakit ka lang kasi at hindi tama iyon. Lucky numbers mo ang 1 at 28.

Kabayo
Mabait naman ang iyong mahal, kailangan mo lang magtiwala sa kanya. Lucky numbers 2  at 8.

Tupa
Huwag mo na ituloy ang ginagawa mo kung alam mo namang mali. Ikaw din naman kasi ang mahihirapan at masasaktan. Kaya, huwag mo na pahirapan pa ang iyong sarili. Kawawa ka lang. Lucky number mo ang 8.

Unggoy
Huwag kang mag-alala, marami kang bagay na matututunan sa papasukin mong panibagong buhay. Basta lakasan mo lang ang loob mo at magagawa mo ring magtagumpay. Lucky numbers mo ang 7 at 26.

Tandang
Huwag kang kukuha ng trabahong hindi mo naman alam gawin. Ang dapat, bihasa ka sa isang bagay kung nais mo talagang magtagumpay. Hindi naman mahirap gawin iyon. May pagkakataon lang kasing mayabang ka at walang gusto kundi magkapera. Lucky number mo ang 21.

Aso
Magtatagumpay ka sa lahat ng gusto mong pasukin. Huwag mo lang hahayaan na balutan ka ng negative energy. Dapat laging positive. ‘Yan kasi ang magiging daan para ang suwerte ay dumapo sa’yo. Lucky numbers mo ang 12 at 33.

Baboy
Marami kang bagay na matututunan, huwag kang mag-alala. Basta ang importante, magkaroon ka ng inspirasyon. Huwag mo rin hahayaan na mabalutan ka ng problema. Hindi kasi ‘yan makakatulong sa’yo. Mas maigi kung lagi kang nakangiti at masaya para mas mahakot mo ang suwerte na matagal ng inilaan para magkaroon ka ng limpak-limpak na salapi. Lucky number mo ang 2.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 20.



















No comments