Post You Might Like

Chinese Horoscope September 2

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 2 ni Madam Juliet.                                                                                                                                                                                                             




Daga (Rat)
Mahal mo siya bakit hindi mo siya ipaglaban? Kung nais mong lumigaya, piliin mo ang mahal mo. Ang paalala ko lang sa’yo, masisira ang buhay mo kung walang kuwentang tao ang pipiliin mo. Mapalad ka sa numero 27.

Baka(Ox)
Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan kaya hindi masama ang umiyak. Huwag mong alalahanin kung may nakatingin sa’yo. Ang intindihin mo, ang nararamdaman mo. Masuwerte ka sa numero 19 kaya mag-smile ka kapag nakakakita ng number na ito.

Tigre (Tiger)
Ang taong matigas ang ulo, napapahamak. Kaya, huwag kang magalit kung pinapayuhan ka man ng iyong mga magulang. Mahal ka nila kaya ibig nilang maging matino ang buhay mo. Ang lucky number mo ay 45.

Kuneho (Rabbit)
Kung nais mong magkaroon ng magandang buhay, huwag kang magpapatukso. Tinitiyak kasi ng kapalaran mo na magkakaroon ka ng miserableng buhay. Hahayaan mo bang mangyari iyon? 18 naman ang masuwerte mong numero.

Dragon
Hindi naman masama kung magtitiwala ka sa iba. Hindi ka naman kasi genius para masabi mo sa’yong sarili na alam mo na ang lahat. Mapalad ka sa numero 5.

Ahas (Snake)
Magiging masuwerte ka sa buhay mo kung magiging mabuti kang tao. Huwag na huwag kang gagawa ng anumang bagay na makakapanakit ng ibang tao. Suwerte ka sa numero 14.

Kabayo (Horse)
Lahat ng magugustuhan mo ay magagawa mong makuha. Magkaroon ka lang ng matinding determinasyon. Mapalad ka sa numero 28.

Tupa(Sheep)
Sinuman ang iyong kaharap, panatilihin mo ang pagkakaroon ng mabuting asal. Kapag nagawa mo ‘yan, mas gaganda ang buhay mo. Mapalad ka sa numero 6.

Unggoy (Monkey)
Lakasan mo lang ang loob mo at magagawa mong harapin ang lahat ng pagsubok. Huwag na huwag mong iisipin ang sumuko. Mapalad ka sa numero 16.

Tandang(Rooster)
Kapag nagnegosyo ka, tinitiyak sa’yo ng kapalaran na hindi ka lang aasenso kundi yayaman pa. Nandyan kasi ang suwerte mo. Masuwerte ka sa doble 3.

Aso (Dog)
Ibang klase ang iyong karisma. Matingnan at mangitian mo lang ang isang tao, mapababae man o mapalalaki ay nakukuha mo ang kanyang atensyon. Masuwerte ka sa numero 42.

Baboy(Pig)
Ano ba ang gusto mo? Isipin mo na dahil makukuha mo iyon. Mapalad ka ngayong araw. Kaya ang mga oportunidad ay huwag na huwag mong palalampasin. Suwerte ka sa numero 18.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 2.






No comments