Post You Might Like

Chinese Horoscope September 19

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 19 ni Madam Juliet.                                                                                                                                                                                                             


Daga
Sa  lahat ng pagkakataon, kailangan mong maging matulungin. Lucky numbers mo ang 1 at 4.

Baka
Huwag mong awayin ang mahal mo, baka iwanan ka. Dapat ipakita mo kung gaano mo siya kamahal. Lucky numbers mo ang 17.

Tigre
Mag-isip ka ng tama. Maging makatwiran ka. Tigilan mo na ang pagiging makasarili dahil magiging miserable lang ang buhay mo. Lucky number mo ay 5.

Kuneho
Kung ano man ang nararanasan mo ngayon, namnamin mo ng husto. Sa pamamagitan niyan ay makakapag-isip ka ng maayos. . Lucky number mo ang  31.


Dragon
Hindi lahat ng gusto mo ay magagawa mong makuha. May mga bagay ka kasing gusto na hindi naman inilaan para sa’yo kaya dapat lang ay tanggapin mo iyon. Kung hindi, mamumublema ka lang.  Lucky number mo ang  25.

Ahas
Hanapin mo kung saan ka ba talaga magiging maligaya. Lucky numbers mo ang 5 at 29.

Kabayo
Kung isa kang boss, maging mabait ka naman sa’yong mga tauhan. Kailangan ay maging maayos ang samahan ninyo para maging okay ang lahat. Lucky numbers 6  at 28.

Tupa
Hindi ka igagalang kung pairalin mo ang kadaldalan mo. Ang kailangan mong gawin, magpakita ng kabutihan sa’yong kapwa. Lucky number mo ang 9.

Unggoy
Hindi mo magagawang pigilan kung ano ang itinadhana para sa’yo. Kaya dapat talagang maging handa ka palagi. Siguraduhin mo rin na matalas ang pakiramdam mo dahil maaaring ang kalaban mo ay nasa likuran mo lang. Lucky numbers mo ang 17 at 36.

Tandang
Kung talagang gusto mo ang isang tao, alamin mo ang lahat tungkol sa kanya. Kailangan mong maging matalino ngayon kung nais mong maging maligaya ang puso mo. Sige na, gamitin mo na ang iyong kakayahan at galing.  Lucky number mo ang 14.

Aso
Maging positibo ka sa lahat ng bagay. ‘yan kasi ang magiging daan para ikaw ay magtagumpay.  Lucky numbers mo ang 21 at 32.

Baboy
Ikaw lang ang gagawa ng iyong kapalaran mo. Kaya, ngayon pa lang ay isipin mo na kung ano ba ang dapat mong gawin. Magiging mabuti ka bang tao o hindi? Ang sagot ay pakaisipin mo ng husto. Dahil isang maling galaw ay magkakaroon ka ng miserableng buhay samantalang kung tama ang gagawin mo, makakamit mo ang walang hanggang kayamanan at kaligayahan. Lucky number mo ang 21.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 19.

No comments