Post You Might Like

Chinese Horoscope September 18

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 18 ni Madam Juliet.                                                                                                                                                                                                             


Daga
Huwag kang masyadong pasaway. Hindi ‘yan makakatulong para ikaw ay umasenso. Lucky numbers mo ang 19 at 70.

Baka
Dapat malaman mong sa’yong pagsasaliksik ay malalaman mo ang kahalagahan ang kahapon at ngayon. Hindi ka magiging maligaya kung hindi mo matatanggap ang nakaraan ng taong mahalaga sa’yo. Lucky numbers mo ang 8.

Tigre
Huwag kang magmadali. Huwag kang magpabigla-bigla. Mag-isip ka para gumanda ang buhay mo. Lucky number mo ay 1.

Kuneho
Mag-enjoy ka lang sa buhay mo. Ang mga problema naman kasing dumarating sa’yong buhay ay kayang-kaya mong solusyunan. Lucky number mo ang  11.


Dragon
Hindi mo type ang umibig dahil ayaw mong masaktan. Ang problema lang, nakatakda ka talagang magmahal.  Lucky number mo ang  23.

Ahas
Kung may hinahangaan kang tao sundan mo ang yapak niya. Kailangan mo lang tandaan na magkaibang tao pa rin kayo kaya huwag mong gawin ang istilo niya. Tandaan mo, may sarili kang diskarte.  Lucky numbers mo ang 3 at 27.

Kabayo
Kapag masyado kang nagtrabaho, agad kang mapapagod. Kaya, kung may oras, magpahinga ka rin. Kung hindi mo gagawin ito, magkakasakit ka at mararatay ka. Kaya, alagaan mo ang iyong sarili. Lucky numbers 15 at 28.

Tupa
Gumawa ka ng maganda sa kapwa mo at siguradong magkakaroon ka ng magandang buhay. Kung masama ang gagawin mo, magkakaroon ka ng miserableng buhay. Lucky number mo ang 6.

Unggoy
Magdesisyon ka na. Ano ba ang gagawin mo? Bago ka kumilos, mag-isip ka muna. Baka kasi magsisi ka lang kapag nagpabaya ka. Lucky numbers mo ang 15 at 26.

Tandang
Maging maligaya ka sa buhay na mayroon ka. Kailangan mong makontento. Huwag na huwag kang maiinggit sa’yong kapwa. Lucky number mo ang 4.

Aso
Hindi matitigil ang problema kung dadagdagan mo lang ng dagdagan. Maghanap ka na ng solusyon. Tigilan mo na ang pag-iwas. Magkakasapin-sapin lang ang problema mo. Sige ka, baka kapag nagkabuhol-buhol ‘yan, hindi ka na makakawala pa. Lucky numbers mo ang 20 at 31.

Baboy
Makikita mo na rin ang resulta ng ginawa mo. Ikaw na lang ang bahalang mag-isip kung iyon ba ay mabuti o masama. Kung ano ang ginawa mo, iyon ang aanihin mo. Kaya kung ayaw mong magkaroon ng miserableng buhay, huwag kang gagawa ng masama. Lucky number mo ang 2.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 18.







No comments