Post You Might Like

Chinese Horoscope September 17

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 17 ni Madam Juliet.                                                                                                                                                                                                  
           

Daga
Eto na ang pagkakataon mo para ma-enjoy mo ang lahat ng suwerte sa’yong buhay. Lucky numbers mo ang 4 at 7.

Baka
Oras na para sundin mo ang sinasabi ng iyong puso. Huwag kang magpabuyo sa iba. Lucky numbers mo ang 9

Tigre
Ikaw ay magtatagumpay sa bagay na gustung-gusto mong gawin. Lucky number mo ay 13.

Kuneho
Masuwerte ka dahil makukuha mo ang suwerteng inilan ng tadhana sa’yo ngayong araw. Kaya, maging happy ka ngayon at mag-enjoy. Magkakaroon ka ng magandang balita pagkatapos. Lucky number mo ang  6.


Dragon
Makinig kang mabuti. Lahat naman ng bagay ay magagawa mong makuha. Mag-concentrate ka lang. Tandaan mo lang na ang suwerte ay nasa iyong mga kamay. Lucky number mo ang  28.

Ahas
Matuto kang mag-appreciate ng mga bagay. Hindi mo makukuha ang lahat ng gusto mo pero marami pa ring mayroon ka na wala ang iba kaya dapat mong tandaan na mapalad ka pa rin.  Lucky numbers mo ang 13 at 24.

Kabayo
Makinig ka sa sinasabi ng iyong puso. Ano ba ang gusto mong gawin? Magkaroon ka ng pagmamahal sa’yong sarili at magtatagumpay ka. Lucky numbers 14 at 38.

Tupa
Ang pagiging malikhain mo ang magbibigay sa’yo ng magandang buhay.  Mapalad ka sa mga taong nakapaligid sa’yo. Kaya, huwag mo silang babalewalain. Lucky number mo ang 15.

Unggoy
Huwag kang maging uto-uto. Bago ka makinig sa tsismis, alamin mo muna ang katotohanan. Ikaw din kapag nagkamali ka ng pinaboran, baka masira lang ang buhay mo.  Lucky numbers mo ang 25 at 46.

Tandang
Sino ba ang laging nasa isipan mo? Iyan ang dapat mong pahalagahan dahil tanging siya lamang ang nagmamay-ari sa’yong puso. Kaya ipakita mo sa kanya ang iyong pagpapahalaga.  Lucky number mo ang 30.

Aso
May pag-ibig na darating sa’yong buhay. Hindi mo na naman kailangang mainip. Bigla na lamang siyang susulpot sa’yong harapan. Kaya magpaganda o magpapogi ka. Lucky numbers mo ang 21 at 37.

Baboy
Kahit na sabihin mong nagtagumpay ka, hindi mo pa rin magawang magsaya. Paano naman kasi mangyayari iyon kung  hindi ka naman mahal ng mahal mo.  Gayunpaman, huwag ka pa rin mag-alala dahil darating din ang taong nararapat sa’yo. Lucky number mo ang 11.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 17.

No comments