Post You Might Like

Chinese Horoscope September 16

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 16 ni Madam Juliet.                                                                                                                                                                                                            

Daga
Hindi naman masama ang sumunod kaya lang isipin mo rin ang katanungang ito, dapat mo ba siyang sundin? Kung mali naman kasi ang ipinapagawa niya sa’yo, matuto kang mangatwiran.  Lucky numbers mo ang 5 at 22.

Baka
Umiwas ka sa mga tsismis. Wala ‘yang magandang maidudulot sa’yo. May utak ka naman kaya gamitin mo na lang. Ikaw na ang sumuri sa katotohanan. Lucky numbers mo ang 6

Tigre
Sa bahay ka na lamang magtrabaho at siguradong mas aasenso ka. Ikaw kasi ang tipo ng taong hinahabol ng suwerte kaya hindi mo na kailangan pang lumabas at magpakapagod na magpunta sa opisina. Lucky number mo ay 12.

Kuneho
Mahirap tanggapin ang katotohanan kaya huwag kang magtitiwala sa kung sinu-sino lang. Dapat piliin mo kung sino ang iyong pagkakatiwalaan. Lucky number mo ang  5.

Dragon
Ano ba ang priority mo sa buhay? Itanong mo muna ‘yan sa’yong sarili at saka ka magdesisyon kung ano ba ang dapat mong gawin. Tandaan mo lang, mas maigi pa rin kung gaganda ang iyong buhay. Lucky number mo ang  8.

Ahas
Kung hindi ka makapamasyal, manood ka na lang ng TV. Mas maiging magpahinga ka na lang kaysa naman mapahamak ka lang. Lucky numbers mo ang 12 at 34.

Kabayo
Maraming oportunidad na naghihintay sa’yo. Huwag mong panghinayangan ang isang boss na walang utak at walang utang na loob. Kung sinaktan ka niya, hayaan mo na lang. Darating naman ang oras na kakarmahin siya. Lucky numbers 1 at 28.

Tupa
May mga kaibigan kang laging nakaalalay sa’yo, huwag kang mag-alala. Kung sakaling mabigo ka, nandiyan sila lagi para sa’yo. Lucky numbers mo ang 17 at 32.

Unggoy
Huwag kang magsayang nang oras. Walang mangyayari kung tatamarin ka. Magsipag ka para dumami ang pera mo. Mag-concentrate ka lang at lahat ng suwerte ay makukuha mo.  Lucky numbers mo ang 24 at 36.

Tandang
May mga taong gagawin ang lahat, masira ka lamang. Huwag mo hayaang maapi ka, kailangan mong lumaban lalo na’t alam mong ikaw ang tama.  Lucky numbers mo ang 37 at 43.

Aso
Maging malambing ka lamang at makukuha mo ang anumang gustuhin mo. Lucky numbers mo ang 29 at 47.

Baboy
Paulit-ulit mong ipaalala sa’yong sarili kung ano ang dapat mong gawin.  Lucky number mo ang 21.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 16.

















No comments