Post You Might Like

Chinese Horoscope September 15

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 15 ni Madam Juliet.    
                                                                                                                                                                                                       
Daga
Maging mabait ka lagi sa’yong kapwa para ikaw ay suwertehin. Huwag na huwag kang mag-iisip ng masama sa ibang tao dahil babalik din sa’yo ang sakit na ibinigay mo. Hindi lang doble, triple pa. Lucky numbers mo ang 6 at 9.

Baka
Kung makikinig ka lang sa sinasabi ng ibang tao, tiyak na magkakamali ka lang ng desisyon. Lucky numbers mo ang 2at 5.

Tigre
Manahimik ka muna at saka ka mag-isip. Huwag kang magpabigla-bigla sa’yong pagdedesisyon. Ikaw din kasi ang magiging kawawa niyan. Lucky number mo ay 6.

Kuneho
Hindi man malinaw ang future mo ngayon, lilinaw din ‘yan huwag kanyang mag-alala. Ang kailangan mo lang gawin, maging determinado kang abutin ang mga bagay na gusto mo at pinapangarap. Lucky numbers mo ang 5 at 10.

Dragon
May mababago sa buhay mo. Kailangan mo itong paghandaan. Lucky number mo ang  9.

Ahas
Huwag mo na alalahanin pa ang nakaraan kung hindi ka naman niya pinahahalagahan. Basta nagawa mo na ang lahat at natulungan mo na siya, tama na iyon. Kahit ano pang gawin mo, wala kang makukuhang pasasalamat buhat sa taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Lucky number mo ang 23.

Kabayo
Manalig ka sa taong pinagkakatiwalaan mo. Kung pagdududahan mo pa siya, sino na lang ang pagkakatiwalaan mo?  Lucky numbers 25 at 26.

Tupa
Mangyayari ang mangyayari. Kahit pigilan mo, ang nakatakda ay nakatakda. Lucky numbers mo ang 19 at 38.

Unggoy
Maging maingat ka sa mga transaksyon na ginagawa mo. Malaki ang tendensiya na mapahamak o maloko ka. Kaya, mag-ingat ka sa mga taong makikilala mo. Hindi lahat ng ‘yan ay mapagkakatiwalaan mo.  Lucky numbers mo ang 14 at 16.

Tandang
Gustung-gusto mong umibig pero hindi magawang ibigay sa’yo ng minamahal mo ang kanyang pag-ibig. Masakit pero kailangang tanggapin.  Lucky numbers mo ang 27 at 41.

Aso
Nagawa mo na ang lahat kung hindi pa rin sapat, wala ka ng magagawa kundi tanggapin na may mga bagay ka talagang hindi mo makukuha. Kahit pa sabihin mong gustung-gusto mo. Lucky numbers mo ang 19 at 27.

Baboy
Magagawa ring ma-appreciate ng ibang tao ang ganda mo, maghintay ka lang. Basta ang gawin mo, tanggapin kung ano ang mayroon ka. Lucky number mo ang 31.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 15.
















No comments