Post You Might Like

Chinese Horoscope September 14

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 14 ni Madam Juliet.                                                                                                                                                                                                             


Daga
Mapalad ka ngayong araw kaya lahat ay maaari mong gawin. Malaki rin ang tsansa mo na manalo ka sa anumang balak mong salihan. Lucky number mo ang 3.

Baka
Huwag mong masyadong kulitin si labs para hindi siya mapikon sa’yo. May oras para sa lahat ng bagay. Lucky numbers mo ang 4 at 18.

Tigre
Huwag kang maging mayabang. Ang mga salita mo ay dapat mong piliin para hindi ka makapanakit.  Tandaan mo rin, nasa huli lagi ang pagsisisi. Lucky numbers mo ay 1 at 8.

Kuneho
Maging mabusisi ka sa’yong trabaho. Huwag kang makuntento palagi. Dapat ang isipin mo, sa trabahong ‘yan mo makukuha ang tagumpay. Lucky numbers mo ang 14 at 37.

Dragon
Kailangan ay alam mo kung ano ang mangyayari sa kapamilya mo. Baka kasi masyado kang abala at hindi mo napapansin na may problema sila.   Lucky numbers 4 at 9.

Ahas
Talasan mo ang iyong tenga. Ikaw ang pinag-usapan ng marami. Lucky number mo ang 21.

Kabayo
Maging mapagpasensiya ka muna sa lahat ng bagay. Huwag mong hahayaan talunin ka ng iyong emosyon. Dahil kapag nagpabigla-bigla ka, makakagawa ka ng matinding kasalanan.  Lucky numbers 23 at 24.

Tupa
Huwag ka naman masyadong selosa o seloso, kawawa naman ang partner mo kung lagi mo siyang pagdududahan. Pagkatiwalaan mo siya, pwede? Basta lagi mong isipin na nagmamahalan kayo. Na walang ibang laman ang puso niya kundi ikaw. Lucky numbers mo ang 9 at 28.

Unggoy
Babe time ngayon kaya huwag mo na muna intindihin ang iyong trabaho tutal nagawa mo namang mabuti iyan. I-focus mo muna ang atensyon mo sa taong mahal na mahal mo dahil kailangan ka niya. Lucky numbers mo ang 4 at 16.

Tandang
May bago ka na namang ideya na naiisip. Kung ganoon, gawin mo ‘yan. Makakatulong ‘yan para ikaw ay magkaroon ng magandang buhay.  Lucky numbers mo ang 17 at 47.

Aso
Easy ka lang sa mga desisyong ginagawa mo. Huwag kang magpabigla-bigla. Kailangan mong gamitin ang iyong isip, huwag kang magpapadala sa emosyon. Lucky numbers mo ang 9 at 28.

Baboy
Ayusin mo ang anumang problema mo tungkol sa pera. Huwag mong hayang mabaon ka sa utang dahil ‘yan ang magpapabagsak sa’yo. Lucky number mo ang 2.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 14.


No comments