Post You Might Like

Chinese Horoscope September 13

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 13 ni Madam Juliet.  
                                                                                                                                                                                                           

Daga
May trabaho ka na ulit kaya pagbutihin mo na. Huwag mo na hayaang pumalpak ka dahil kawawa ka lang. Lucky number mo ang 9.

Baka
Mag-concentrate ka lang palagi sa’yong trabaho. Sa paglipas ng ilang panahon ay magiging matagumpay ka.  Lucky number 8.

Tigre
Gustung-gusto ng partner mo na lagi kang pinanonood sa’yong ginagawa. Kaya, huwag ka na mairita. Mag-smile ka na lang para lalo siyang ma-in love sa’yo.  Lucky numbers mo ay 3 at 17.

Kuneho
Maging mabait ka at responsable. Kapag nagawa mo ‘yan ay magkakaroon ka ng magandang buhay. Lucky numbers mo ang 4 at 7.

Dragon
Magiging masuwerte ka ngayong araw kung hindi mo papalisin ang ngiti sa’yong mga labi.  Lucky numbers 5 at 18.

Ahas
Huwag mo na sayangin pa ang pagkakataon na ibinigay sa’yo ng langit.  Lucky number mo ang 15.

Kabayo
Ano ba talaga ang nararamdaman mo? Huwag mo ‘yang babalewalain. Kailangan ay harapin mo ang katotohanan. Kapag nagawa mo ‘yan, mas dadami pa ang magagandang nangyayari sa buhay mo Lucky numbers 23 at 28.

Tupa
Huwag kang masyadong makulit, nakakairita. Matanda ka na kaya mag-mature ka na. Kapag nakagawa ka ng kasalanan, humingi ka ng tawad. Kung nakakasigurado ka naman na wala kang maling nagawa, matuto kang manindigan. Lucky numbers mo ang 2 at 26.

Unggoy
Ngayon mo na makikilala ang taong itinadhana para sa’yo. Kaya, maghanda ka na. Madali mo lang naman siyang makikilala. Pakinggan mo lang ang sinasabi ng iyong puso. Lucky numbers mo ang 1 at 7.

Tandang
Marami mang pagkain ang nasa iyong harapan pero hindi ka pa rin happy. Napakahirap naman kasing kumain ng nag-iisa.  Lucky numbers mo ang 2 at 37.

Aso
Huwag kang magpa-stress sa taong puro kayabangan lang naman. Basta alam mo kung ano ang tama at nararapat, huwag mong intindihin ang mga taong wala namang maibibigay sa’yo kundi sakit ng ulo. Lucky numbers mo ang 7 at 18.

Baboy
Gustung-gusto mong nagbibigay ng payo dahil nakakatulong ka pero hindi mo naman magawang payuhan ang iyong sarili. Kaya, bago ka magsabi ng payo, mag-isip ka munang mabuti at tanungin mo ang iyong sarili, magagawa mo ba iyon kapag ikaw ang namrublema? Lucky numbers mo ang 22 at 49.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 13.














No comments