Post You Might Like

Chinese Horoscope September 12

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 12 ni Madam Juliet.                                                                                                                                                                                            
                 

Daga
Huwag kang maniwala sa mga sabi-sabi lang. Kailangan, alamin mo talaga ang katotohanan. Basta ang importante, tapat ka sa’yong sarili sa’yong intensyon. Lucky numbers mo ang 5 at 7.

Baka
Kung handa ka na sa malaking responsibilidad, maganda. Wala kasing mangyayari sa buhay mo kung magiging iresponsable ka. Tiyak ang buhay mo ay sobrang magiging miserable. Lucky number 4.

Tigre
Mayroon kang planong maganda, gawin mo ‘yan at siguradong magtatagumpay ka. Huwag na huwag ka lang panghihinaan ng loob. Basta maniwala ka lang sa sarili mong kakayahan.  Lucky numbers mo ay 4 at 8.

Kuneho
Maging matipid ka para maging maayos ang iyong buhay. Kawawa ka naman kasi kung magiging miserable ang buhay mo dahil sa’yong kapabayaan. Lucky numbers mo ang 2 at 9.

Dragon
Kung ang kaibigan mo ay kailangan ng iyong tulong, tulungan mo. Magpakita ka ng kabutihan sa ibang tao at babalik sa’yo ang kabutihang iyon. Kapag masama naman ang ginawa mo, magiging miserable ang iyong buhay.  Lucky numbers 5 at 6.

Ahas
Magkakaroon ka ng maraming pera. Huwag kang mainip. Ikaw ay ipinanganak na masuwerte kaya  gaganda pa rin ang iyong kapalaran.  Lucky number mo ang 13.

Kabayo
Huwag kang mawalan ng pag-asa. Hindi pa naman tapos ang laban. Magtiyaga ka lang at makukuha mo ang lahat ng gusto mo. Lucky numbers 21 at 26.

Tupa
Mahalaga man ang pera sa ating buhay, mas pahalagahan mo pa rin ang respeto mo sa’yong sarili. Huwag mo hayaang apihin ka ng kung sinong tao. Lucky numbers mo ang 4 at 36.

Unggoy
Marami ang tutulong sa’yo sa oras ng pangangailangan, huwag mo silang tanggihan at huwag mo rin silang kalimutan kung maayos na ang buhay mo. Lucky numbers mo ang 1 at 12.

Tandang
Magkakaroon ka ng maraming pera. Masisiyahan ka ng todo at huwag na huwag mong kalimutan ang tumulong. Lucky numbers mo ang 5 at 7.

Aso
Busy ka man sa buong araw na pagtatrabaho, huwag mo naman kalimutan ang iyong partner na nangangailangan ng iyong atensyon. Lucky numbers mo ang 5 at 8.

Baboy
Kung may katwiran ka, lumaban ka. Huwag kang manahimik na lang diyan na parang inaamin mo na ang pagkakasalang hindi mo naman ginawa. Lucky numbers mo ang 20 at 29.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 12.













No comments