Post You Might Like

Chinese Horoscope September 11

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 11 ni Madam Juliet
                                                                                                                                                                                                            
Daga
Kung mayroon kang problema sa’yong mga katrabaho, sabihin mo. Maling kinikimkim mo lang ang galit na nararamdaman mo. Darating kasi ang araw na magsisisi kang nagtanim ka ng galit. Lucky numbers mo ang 3 at 7.

Baka
Lahat ng bagay ay magagawang solusyunan kung magtutulungan. Kaya, tumanggap ka rin ng tulong buhat sa mga kaibigan at kapamilya. Huwag kang magpadaig sa depresyon. Isipin mo, lahat ay magagawa mo. Pagkatiwalaan mo ang iyong sarili. Lucky numbers 7 at 8.

Tigre
Hindi lahat ng bagay na gusto mo ay magagawa mong makuha agad. Kailangan mo ring maghirap.  Lucky numbers mo ay 7 at 9.

Kuneho
Kung talagang gusto mong makapag-move on na, kalimutan mo na ang nakaraan. Harapin mo na lang ang mangyayari bukas. Lucky numbers mo ang 8 at 18.

Dragon
Kung may mahalagang bagay kang gustong gawin, kumilos ka na. Sana lang ay sabihin mo rin sa’yong partner para ikaw ay kanyang masuportahan.  Lucky numbers 1 at 3.

Ahas
Huwag mong sayangin ang suwerteng dumating sa’yong buhay. Ingatan mo ang mga ‘yan dahil baka hindi ka na makatagpo pa ng iba. Lucky number mo ang 8.

Kabayo
May mga magandang pagbabago na mangyayari sa’yong buhay. Siguradong masisiyahan ka.  Lucky numbers 23 at 27.

Tupa
Kung ayaw mong magkamali, magbago ka ng diskarte. Kung ipagpapatuloy mo kasi ang iyong istilo, papalpak ka lang. Huwag ka kasing magpabigla-bigla. Sundin mo rin ang sinasabi ng iyong utak. Huwag puro emosyon ang iyong pairalin. Lucky numbers mo ang 3 at 16.

Unggoy
Magtiwala ka sa’yong sarili at lahat ay magagawa mong masolusyunan. Wala namang masama kung magtatanong ka ng opinyon ng iba, pero, ikaw pa rin ang bahalang gumawa ng dapat. Lucky numbers mo ang 18 at 39.

Tandang
Marami ka mang opinyon, sarilinin mo na lang muna. Kailangan kasi, mag-isip ka bago magsalita para hindi ka magkamali. Lucky numbers mo ang 14 at 25.

Aso
Hindi man magkatugma ang inyong mga gusto, okay lang ‘yan. Ang importante, matuto kayong rumespeto sa isa’t isa. Lucky numbers mo ang 4 at 17.

Baboy
Mayroon kang matatanggap na bagong proyekto. Okay na okay ‘yan. Pagbutihin mo ang iyong pagtatrabaho at magkakaroon ka ng magandang buhay. Lucky numbers mo ang 10 at 24.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 11.











No comments