Post You Might Like

Chinese Horoscope September 10

Tunghayan ang Chinese Horoscope September 10 ni Madam Juliet.                                                                                                                                                                                                       
      

Daga
Magaling ang strategy mo kaya hindi kataka-taka na yumaman ka. Kung marami man ang nagsasabi ng masasamang salita sa’yo, huwag mo na lamang siyang pansinin. Mabilis namang kumilos ang karma. Lucky numbers mo ang 1 at 35.

Baka
Harapin mo ang problema mo ng taas noo. Kung alam mong nasa tama ka, walang dahilan para makaramdam ka ng takot. Lucky numbers 3 at 5.

Tigre
Tapusin mo ang iyong trabaho at tinitiyak ng langit na magkakaroon ka ng magandang buhay. Lucky numbers mo ay 5 at 13.

Kuneho
Huwag kang maging OA sa pagpapaliwanag. Basta ang sinabi mo ay katotohanan, walang dahilan para matakot ka. Laban lang. Lucky numbers mo ang 13 at 29.

Dragon
Sundin mo ang sinasabi ng iyong puso. Alam niya kung ano ba ang makapagpapaligaya sa’yo. Hindi naman masama ang makinig sa utak pero kung wala ka namang ibang masasagasaan, go ka na. Lucky numbers 8 at 29.

Ahas
Lahat ng mata ay nakatingin sa’yo. Mayroong humahanga at mayroong nanghuhusga. Hindi na importante kung ano ang iniisip nila tungkol sa’yo. Basta ang importante, ano ba ang iyong nararamdaman? Lucky number mo ang 5.

Kabayo
Ito na ang tamang pagkakataon para magbago ka ng istilo. Sa pamamagitan kasi niyan ay aasenso ka ng husto. Lucky numbers 23 at 25.

Tupa
Tama na ang iyong pag-alinlangan. Hindi ‘yan makakatulong sa pagkakaroon mo ng magandang buhay. Lucky numbers mo ang 5 at 27.

Unggoy
Makinig kang mabuti. ‘Yan ang makatutulong sa’yo para matupad mo ang lahat ng iyong pangarap. Lucky numbers mo ang 17 at 29.

Tandang
Huwag kang masyadong maging gastador. Kailangan mong mag-ipon. Hindi ka makasisiguro kung ano ang mangyayari bukas at sa mga susunod na mga araw. Alalahanin mo, mahal ang mga bilihin. Lucky numbers mo ang 18 at 26.

Aso
Ang pagmamahal ay hindi mo magagawang mabili kaya kung hindi ka gusto ng isang tao, mag-move on ka na. Marami pa namang iba riyan. Makakatagpo ka rin ng tunay na magmamahal sa’yo. Lucky numbers mo ang 5 at 18.

Baboy
Matuwa ka naman sa mga magagandang ipinakikita sa’yo ng mahal mo. Sana rin ay magawa mo siyang pangitiin. Kapag nagawa mo ‘yan, asahan mong siya ay magkakaroon ng napakasayang pakiramdam kaya mas mamahalin ka niya. Lucky number mo ang 1.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 10.











No comments