Post You Might Like

Ano ang iyong panaginip?

by
Madam Juliet




May monster na humahabol sa’yo. ‘Yung tipong sasakmalin ka na lang niya pero mapapabalikwas ka nang bangon. Panaginip lang pala. Kaya naman, mapapabuntunghininga ka sa labis na pasasalamat na hindi naman pala katotohanan ang nangyari.

Ngunit, talaga nga bang dapat na mapanatag ang iyong loob?

Kailangan mong malaman na ang panaginip natin ay may kaugnayan din sa ating pagkatao, sa kung ano ang ating nararamdaman at kung ano tayo sa ating nakaraan. Kaya naman sa ngayon ay ibig kong ibahagi sa inyo ang iba’t ibang kahulugan ng panaginip.

Aklat - nagsisimbulo ito ng karunungan kaya kung sa panaginip mo ay nagbabasa ka, magkakaroon ka ng magandang buhay.

Apoy - Ito ay may kinalaman sa sex. Kung may boyfriend o girlfriend ka, ibig mo na makipagtalik sa kanya.

Buhok - Tumutukoy ito sa kalusugan at kasaganahan. Kung ang buhok mo ay mahaba sa’yong panaginip gayung ang totoo ang maikli lang ang buhok mo, ibig sabihin ay sobrang okay ang kalusugan mo at sa darating na araw ay magiging masagana pa ang iyong buhay. Kung ikaw naman ay may mahabang buhok talaga tapos nanaginip kang nalalagas ang iyong buhok, may tendensiya na magkakasakit ka kaya pangalagaan mo ang iyong kalusugan.

Ebak - Nakakadiri man na ito ang napanaginipan mo pero may maganda itong ihahatid sa’yo dahil magbibigay ito sa’yo ng suwerte. Ibig kasing sabihin ng panaginip na ito ay salapi. Magkakaroon ka ng pera kaya nga karaniwan na kapag nakapanaginip ng ebak ang isang tao, mabilis siyang nagpupunta sa lottery booth para tumaya.

Hinahabol - mayroon kang masamang karanasan na gustong takasan. Kaya naman kapag ganito ang panaginip mo at napabalikwas ka pa nang bangon. Gayunman, hindi rin maganda kung hindi ka naabutan o hindi mo ito hinarap sa’yong panaginip. Ibig kasing sabihin nito, hindi ka kailanman makakalaya sa bagay na iyong kinatatakutan.

Naliligo - May pagbabago na magaganap sa’yong buhay. Kung mala-kristal o malinis na malinis ang tubig na bumubuhos sa’yong katawan, ito ay nangangako ng pag-unlad. Kaya kung ikaw ay negosyante, nagsasabi ito na magkakaroon ka ng malaking tubo. Kung ikaw naman ay simpleng empleyado, mapu-promote ka.

Ito ay ilan lamang sa ating mga napapanaginipan na minsan ay binabalewala natin dahil nga sa hindi natin ang kahulugan. Kaya, kung minsan ay nagagawa nating mapalampas ang suwerte dahil wala tayong ideya sa kahulugan ng panaginip natin.

Ikaw, ano ba ang iyong panaginip?

No comments