Post You Might Like

Tips para ikaw ay suwertehin


Tigilan mo na ang pagmumukmok mo. Walang mangyayari sa’yo kung mag-e-emote-emote ka na lang diyan. Kailangan mong bumangon diyan, gumala ka. Kailangan mong maging masaya at isiping bukas ay magkakaroon ng magandang umaga para sa’yo.

Kung nais mong maging masuwerte, sundin ang Tips para ikaw ay suwertehin.

Una, be positive. Kailangang mag-isip ka palagi ng maganda. Huwag kang maging nega bago mo gawin ang isang bagay dahil talagang mananamlay ka riyan. Tayo pa namang mga Pinoy kapag naumpisahang panghinaan ng loob ay nagtutuloy-tuloy na. Kaya, huwag mag-iisip ng kung anu-anong kanegahan dahil iyon talaga ang mangyayari. Samantalang kung magiging positibo ka palagi sa’yong ginagawa, mas magiging masigasig ka na tuparin ang iyong pangarap. Dahil nga ang lagi mong sinasabi sa sarili mo, magtatagumpay ka.

Pangalawa, maging mabait ka sa’yong kapwa. Kapag marunong kang makipagkapwa tao, siguradong susuwertehin ka, lalo na at mayroon kang negosyo. Sila na kasi ang magbuboluntaryo na tulungan ka sa’yong negosyo. Maaaring sila na ang mag-upload ng video ng iyong negosyo para mag-viral ‘yan. Kung maganda ang trato mo sa kanila, tiyak na bibigyan ka pa ng libre review. Tandaan mo, kapag maganda ang trato mo sa iyong customer, empleyado, kapamilya at kahit sinong tao ay gagaan din ang pasok ng suwerte sa’yong buhay.

Pangatlo, huwag kang kukuha ng puwesto na magkatapat ang pintuan at bintana. Kung sa palagay mo ay hindi totoo ang pamahiin, nagkakamali ka. Maraming pamahiin ang nagkakatotoo kaya kung ako sa’yo, sundin mo na lang ‘yan kaysa malasin ka pa. Kapag daw kasi magkatapat ang pintuan at bintana, ang suwerteng papasok sa’yong bahay o negosyo ay lalabas din agad dahil nakabukas nga ang daanan kaya ang suwerte ay hindi rin mananatili sa’yong pag-aaari.

Pang-apat, pumili ng makakasama sa buhay. Kung mapapansin mo, ang madalas na nagpapabagsak sa kabuhayan ng isang tao ay ang pinipili niyang karelasyon. Kung masama kasi ang kanyang ugali, siguradong namumublema ka lang at mawawala ang atensyon mo sa’yong negosyo. Kung ganoon, bakit hahayan mo pa siyang manatili sa’yong buhay? Isipin mo na lang na marami pa namang iba riyan. Sa takdang panahon naman ay makikilala mo rin ang taong magmamahal sa’yo at sa mga bagay na importante rin sa’yo.

Panglima, maglagay palagi ng pera sa wallet. Ang barya o perang papel ang nagsisilbing ‘tao’ sa loob ng wallet mo. Kung hindi mo hahayaan na walang tao sa loob ng pitaka mo, mararamdaman mo lang na madadagdagan ‘yan ng madadagdagan dahil nga suwerte ang pitakang mayroong lamang pera. Kumbaga sa tao, magtatawag ng kabarkada ang perang namamahay na roon.

O, gawin mo na ang ilang sinabi ko sa’yo at sisiguraduhin ko sa’yo na susuwertehin ka rin.

Salamat sa pagbasa ng Tips para ikaw ay suwertehin





No comments