Post You Might Like

Tips para igalang ka ni Boss



HINDI ba dapat ikaw ang gumalang sa Boss mo dahil siya ang nagpapasahod sa’yo? Tiyak ko na marami ang magtatanong nito kapag nabasa ang titulo ng artikulo nating Tips para igalang ka ni Boss. Talaga naman kasing kailangan mo siyang irespeto dahil siya ang nagbibigay sa’yo ng magandang buhay. Ngunit, hindi naman ibig sabihin nito ay wala kang makukuhang respeto sa kanya. Kaya, kailangan mo ring tandaan ang ilang tips na ito.

Una, respetuhin mo siya bilang boss. Ang pagrespeto sa Boss ay hindi lang siyempre ‘yung sinusunod mo ang utos niya. Kailangan din siyempre ‘yung pinahahalagahan mo ang oras ng iyong trabaho. Huwag mong ugaliin ang ma-late at um-absent. Kung talagang hindi maiwasan ang pagiging late at pag-absent, maayos mo itong ipaliwanag sa’yong boss.

Pangalawa, mahalin mo ang iyong trabaho. Kung mahal mo ang iyong trabaho, tiyak na hindi mo gugustuhing magkamali kaya tiyak na magiging mabusisi ka sa bawat detalye ng iyong trabaho. Kung alam na alam mo ang iyong trabaho, siguradong mapapahanga sa’yo ang boss mo kaya maniniwala siyang asset ka sa kanilang kumpanya. Tiyak pang tatasan ng boss mo ang sahod mo para hindi mo maisipang umalis sa kanyang kumpanya.

Pangatlo, hindi ka dapat magiging sipsip. Kapag kasi naging sipsip ka sa bossing mo, may tendensiya na manira ka ng ibang tao maiangat mo lang ang sarili mo. Para sabihin ko sa’yo kaya halatang-halata ng boss mo ang paninira mo, huwag mong isipin na nakukuha mo talaga ang kanyang tiwala. Mas kaiinisan ka lang niya at hindi na igagalang. Baka nga, ikaw pa ang sigaw-sigawan niya ng todo. At dahil dito ay mawawalan na siya ng respeto sa’yo dahil alam na alam niyang ang gusto mo ay sumipsip.

Kaya, huwag ka na gumawa pa ng kalokohan o kamalditahan sa opisina ninyo dahil kapag matalino ang iyong boss, hindi niya hahayaan na magdala ka ng tsismis sa inyong opisina. Baka nga kapag mayroong intrigang ibato sa’yo ang iyong kapwa ay agad pa siyang maniwala doon dahil nga nakikita niya na hindi ka naman talaga dapat na pagkatiwalaan.

Kung ganoon, makabubuting huwag kang mag-isip o magsalita laban sa iyong mga kasamahan sa trabaho. Huwag mong isipin na porke madalas kayong magkasama ng iyong Boss ay mas pinahahalagahan ka na niya. Maari ngang magkalapit kayo pero hindi sapat iyong para makuha mo ang respeto ng iyong employer.

Salamat sa pagbasa ng Tips para igalang ka ni Boss



No comments