Post You Might Like

Pamahiin Ngiyaw: Huwag kang papatay ng pusa




Nakakabuwisit naman talaga 'yung sitwasyon na umalis ka lang sa hapag kainan dahil mayroon kang kinuha tapos pagbalik mo wala ka ng ulam. Ang dahilan, may pumasok na pusa sa bahay mo at inunahan ka pang kumain. O kaya naman, sobra kang nagmamadali dahil mali-late ka na tapos magkakatapak ka ng ebs ng pusa.
Naku, siguradong sobra maha-highblood ka. At kung minsan, kapag galit na galit ka ay nakakagawa ka ng bagay na maaari mong pagsisihan sa huli. Kaya bago ka pa makagawa ng mali paaalalahan na kita, huwag kang papatay ng pusa.


Kailangan mong malaman na ang papatay ng pusa ay may kaakibat na kamalasan. Magkakaroon ka raw ng miserableng buhay kapag nagawa mong kumitil ng buhay ng pusa pero huwag kang mag-alala, may expiration date naman ang kamalasan na iyon. Aabot lang naman iyon ng siyam na taon. Maaari mong sabihin na kalokohan lamang ito pero mariin kong sasabihin sa'yong na nagkakamali ka.

Ang nakakatanda kong kapatid ay nakasagasa ng pusa kaya ilang taon din siyang nawalan ng pagkakakitaan pero dahil hindi naman niya iyon sinadya ay limang taon lang siyang maghirap. Ngunit ang panganay namin na sinadya ang papatay sa pusa ay siyam na taon talagang minalas. Umalis siya sa trabaho para sana tuparin ang kanyang pangarap pero hindi niya nagawa g gawin iyon. Malupit din kasi siya sa mga Hayop. Kaya siguro ay naparusahan.

Hindi man kasi nakakapagsalita ang mga hayop pero hindi pa rin dapat maging dahilan iyon para sila ay saktan. Mas dapat ngang sila ay mahalin dahil may nakatutulong naman sila sa'yo. O, hindi ba, kapag may pusa ay wala kang nakikitang daga? Hindi siyempre sila papayag na makakita ng daga. Kaya kung susuriin talaga, napakalaki ang tulong nila para hindi ka matakot. Kaya makabubuting huwag mo silang sasaktan kahit  pa may nagawa silang pagkakamali sa'yo. Paalala rin sa mga buntis, huwag na huwag kayong mananakit ng pusa dahil may kaparusahang maaaring mangyari sa'yo at ang magdurusa ay ang magiging anak mo.
Kaya, kung ayaw mong makaranas ng kamalasan sanhi sa pagpatay o pananakit ng pusa, makabubuting pairalin mo ang iyong pagiging mabuting tao.

Salamat sa pagbasa sa artikulong huwag kang papatay ng pusa.


No comments