Post You Might Like

Chinese Horoscope September 1


Tunghayan ang Chinese Horoscope  September 1 ni Madam Juliet.   

Daga (Rat)
Kinakailangan mong tuparin ang iyong ipinangako. Dapat lang naman talaga na mayroon kang isang salita. Sa pamamagitan kasi niyan mapapatunayan kong dapat ba siyang pagkatiwalaan.

Baka(Ox)
Kung alam mo namang wala ka ng kasalanang ginawa, walang dahilan para matakot ka. Basta matuto lang manindigan.

Tigre (Tiger)
Bumibilis ang pintig ng puso mo. Kinakailangan mo 'yang pigilan dahil ang nagugustuhan mo ay may pananagutan na. Huwag kang mag-alala  darating din ang itinadhana para sa' yo.

Kuneho (Rabbit)
Malayo ang mararating mo sa buhay pero huwag kang magyayabang. Hindi dapat lumaki ang ulo mo dahil 'yan ang ikakapahamak mo.

Dragon
Huwag kang maging desperada. Hindi lahat ng gusto mo ay masusunod. Kung minsan kailangan maging mapagbigay ka. Ibig sabihin, kailangan mong magparaya.

Ahas (Snake)
Gamitin mo ang utak mo para masolusyunan mo ang iyong mga problema. Huwag ang galit na nasa puso mo. Ikaw din kasi magiging miserable pagkaraan.

Kabayo (Horse)
Huwag kang tumanga lang. Kailangan mo ring kumilos para magkaroon ka ng magandang buhay.

Tupa(Sheep)
Dapat kilala mo kung sino ang dapat mong paniwalaan at pagkatiwalaan. Huwag mong pilitin ang taong puro angal lang ang ginagawa.

Unggoy (Monkey)
Hanggang kailan mo ba aangkinin ang bagay na hindi sa'yo? Huwag kang maging pasaway dahil malalapit ka sa away.

Tandang(Rooster)
Matapang kang magsalita kaya panindigan mo ang iyong katapangan hanggang sa huli. Mapalad ka sa kulay brown at numero 1.

Aso (Dog)
Bawat tibok ng puso ko walang hinahanap kundi ang taong kinamumuhian mo.Papahirapan mo pa ba ang iyong sarili. Masuwerte ka sa numero  15.

Baboy(Pig)
Marami kang kasalanang nagawa. Humingi ka ng tawad. Tapos magiging happy ka na. Simple lang naman ang buhay. Huwag mo na pahirapan pa.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope September 1. 
.
                                       

No comments