Post You Might Like

Chinese Horoscope Agosto 31

Tunghayan ang Chinese Horoscope Agosto 31 ni Madam Juliet.                                                                     
                                                                                                                                     
Daga (Rat)
Huwag kang tamarin ngayon araw dahil masasalubong mo na ang suwerteng inaantay mo. Kaya, bumangon ka na at magbihis. Masuwerte ka sa numero 13.

Baka(Ox)
Kung talagang gusto mong makasama ang isang tao, puntahan mo na siya. Huwag ka na sana mag-alinlangan pa. Alalahanin mo, maikli lang ang buhay. Kaya, huwag mong hayaang maunahan ka ni Kamatayan. Mapalad ka sa kulay asul.

Tigre (Tiger)
Kung mahal mo ang isang tao, huwag mo siyang hahayaang mawala sa’yong paningin ngunit siyempre, kailangan mo ring ipaalam sa kanya ang iyong nararamdaman. Sigurado kasing sasakit lang ang puso mo kapag nakita mo siyang masaya sa piling ng iba. Mapalad ka sa numero 27.

Kuneho (Rabbit)
Kung nakagawa ka ng kabutihan sa’yong kapwa, ngayon na ang panahon para tulungan ka naman niya. Kaya, ipanatag mo na ang iyong kalaban. Masuwerte ka at may ginintuan kang puso kaya ngayon na ang araw na makukuha mo ang santambak na suwerte.

Dragon
Dahil naging determinado kang maabot ang iyong pangarap, matutupad na ngayon ‘yan at sa mga susunod na araw. Basta ang babala sa’yo ng langit, huwag kang gagawa ng masama dahil ‘yan ang magiging daan para ikaw ay malasin.

Ahas (Snake)
Gamitin mo ang iyong talento para magkaroon ka ng magandang buhay. Ang kailangan mo lang namang gawin ay lakasan mo ang iyong loob.

Kabayo (Horse)
Maraming magagandang oportunidad na lalapit sa’yo. Kailangang maging handa ka. Dapat piliin mo ang the best para maging maganda ang buhay mo. Masuwerte ka sa kulay pula kaya huwag mong kaliligtaang magdala ng bagay na pula.  

Tupa(Sheep)
Huwag kang maging maramot. Kailangan ay magbigay ka rin ng suwerte para dumoble pa ang iyong suwerte.

Unggoy (Monkey)
Magiging masaya ka lang palagi kapag ginawa mo ang anumang bagay na gusto mo. Basta wala kang taong nasasaktan, sinisiguro ko sa’yong magiging okay ang lahat. Mapalad ka sa numer 3 at kulay itim.

Tandang(Rooster)
Marami kang pagsubok na daraanan. Kapag nalampasan mong lahat ‘yan, sinisiguro ng iyong kapalaran na magkakaroon ka ng maayos at magandang buhay.

Aso (Dog)
Gumising ka sa katotohanan. Kapag hindi mo tinanggap ang pagkakaiba ng reyalidad at pantasya, walang mangyayari sa buhay mo. Kailangan, maging matalino ka. Kung ganoon, gamitin mo ang iyong isipan.

Baboy(Pig)
Ano ba ang gusto mong mangyari sa sa buhay mo? Iyon ang isipin mo. Dahil magiging miserable ka lang kapag sinunod mo ang pangarap ng ibang tao para sa’yo. Kaya, gawin mo kung ano ang ambisyon mo. Masuwerte ka sa kulay gold.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope Agosto 31.






















No comments