Post You Might Like

Ang kulam


Ito ay kurso sa Karunungang Lihim, basahing mabuti at mag-ingat”


Bilang pagpapatuloy sa ating artikulo at bilang review, muli nating lilinawin na ang asignaturang matutunghayan ninyo ngayon ay ang tungkol sa mahika (magic), pangkukulam (witchcraft and sorcery), anting-anting at talisman (lucky charms and medallion), panghuhula (fortune telling and divination) panggagamot ng hindi ginagamitan ng medisina, (healing without medicine) at marami pang iba na may kaugnayan sa “kababalaghan.”




Noong isang araw  bilang  pasimula, tinalakay natin ang dalawang uri ng mahika, “ang Divina Mahika at ang Mahika Negra.”

Ngayon naman ay pasimulang tatalakayin natin ya ng tungkol sa pangkukulam, na mas kilala sa tawag na “witchcraft and sorcery”.

Kapag sinabing pangkukulam, (witchcraft and sorcery) ito ay isang uri ng Black Magic, lalo na kung isasagawa ito na may intensyong makasakit ng kapwa o kaya naman ay tahasang pakialaman ang laya, angking kalooban o freewill ng isang tao.

Minsan ay may isang magandang babae ang nagtanong kay Maestro Honorio Ong tungkol sa gayuma. Nais niyang humingi ng gayuma, dahil nais ni ‘Karen na pabalikin ang tomboy niyang kasintahan, pero  “na-in-love” sa ibang babae.

Sa kasamaang palad, tahasan itong tinanggihan o hindi pinagbigyan ng inyong lingkod. Nangyari, dahil kapag pinatulan mo ang isang “nais magpagayuma o nais gamitan ng gayuma ang kanyang minamahal” tulad ng nasabi na, ito ay isang uri ng “black magic” na hindi dapat basta-basta na lamang “nirereseta”, “ginagamit” o “prinapaktis”.

Pero sa kalaunan, dahil sa kapipilit at kakukulit ng babaing ito na noong panahong nabanggit ay sobrang “naho-home-sick” sa ibayong dagat ay pinagbigyan na rin ni Maestro Honorio Ong ang nasabing babae na may karelasyong tomboy hanggang sa sila ay nagkabalikan, nagkaroon ng isang adopted child, na nagresulta upang sila ay makabuo ng isang simple, pero maligaya at pang habang buhay na pamilya.

By the way, ano ba ang ibig sabihin ng pangkukulam? Tulad ng nasabi na, ito ay isang uri ng karunungang Itim at ang mga nagpa-praktis nito ay karaniwan ng gumagamit ng “spells, orasyon o bulong”. Maaari ring ang nagpapraktis nito ay gumagamit ng kakaibang mga sangkap, upang mangyari ang kanilang maitim na balak. Kabilang sa maiitim o masasamang intensyon ng mga gumagamit ng pangkukulam ay ang saktan ang kapwa, paghigantihan ang isang taong nanakit ng kanyang damdamin, saktan ang isang taong kinaiinggitan, o  pabalikin ang taong nagmahal sa kanya pero sa ngayon ay may ibang minamahal.    

At dahil paubos na ang ating espasyo, mga giliw kong mambabasa, ang lahat ng ito ay isa-isa nating tatalakayin sa pagpapatuloy ng ating mga artikulo, dito pa rin sa kolum ng inyong lingkod, na si Maestro Honorio Ong KABABALAGHAN AT ANTING-ANTING.

Itutuloy...

(SA MGA NAIS MAGTANONG, O NAG NANAIS MAGLAHAD NG SARILI NILANG KARANASAN, WAG MAHIHIYANG MAG-EMAIL O KAYA’Y MAG SEND NG COMMENT SA IBABA NG ARTIKULONG ITO. WALANG BAYAD AT MASAYA NAMIN KAYONG PAGLILINGKURAN. MARAMING SALAMAT PO.  – MHO)




2 comments:

  1. Paano po macocontact si maestro honorio ong may problema din ako sa pag ibig

    ReplyDelete
  2. email nyo po sa mariangela23@gmail.com , isi send ko na lang po sa kanya.

    ReplyDelete