Post You Might Like

Ang kababalaghan at anting-anting


Ito ay kurso sa larangan ng Karunungang Lihim, basahing mabuti at mag-ingat”


ANG KABABALAGHAN ay ang lahat ng bagay at mga pangyayaring hindi kapani-paniwala subalit kung iisipin mong mabuti ay talaga namang nangyayari sa katotohanan at sa aktuwal na karanasan ng mga tao.


Hindi mapapasubalian na kabilang sa pinakamalaganap na kababalaghan, na kung tawagin sa philosophical  term ay “universal experience” o dili’t iba’y nararanasan talaga ng lahat ng mga tao sa ibat ibang dako ng mundo ay ang tungkol sa mahika (magic), pangkukulam (witchcraft and sorcery), anting-ating at talisman (lucky charms and medallion), panghuhula (fortune telling and divination) panggagamot ng hindi ginagamitan ng medisina, (healing without medicine) at marami pang iba.

Ang lahat ng ito ay tatalakayin natin sa ating artikulong ito upang ang mga dati ko ng mga tagasubaybay at sa mga bagong magiging tagasubaybay ay lalo pang matuto ng tungkol sa karunungang lihim na tiyak namang mapapakinabangan ninyo upang lalo pa kayong magtagumpay at maging maligaya sa buhay nating ito.

Uumpisahan natin ngayon ang pagtalakay tungkol sa malawak na asignaturang mahika o magic.

Sa pangkalahatan may dalawang uri ng mahika. Ito ay ang tinatawag na Mahika Devina (White Magic or Divine Magic, tinatawag din itong Natural Magic) at Mahika Negra (Black Magic na tinatawag ding Dark Magic).

Ang Mahika Divina ay puwede ring tawaging Karunungang Puti at ang Mahika Negra ay puwede ring tawaging Karunungang Itim.

Bagamat parehong gumagamit ng “supernatural powers” o “karunungang lihim” o puwersang nagmumula sa kalikasan” at “esoteric power” ang Mahika Divina at Mahika Negra ay may malaking pagkakaiba.

Unang-una na, ang Divina Mahika ay pagpapraktis at pagsasagawa ng mahika na may layuning sambahin, parangalan at kilalanin ang “diyos” sa partikular ang “diyos ng pag-ibig, ang diyos ng kabutihan at pagmamahal sa kapwa.”  Mahalin ang kalikasan, alagaan ang buhay at panatilihin ang pagpaparami (creation) at ang pagpapalahi (propagation). Labanan ang kasamaan (evil) at panatiliin ang kabutihan (goodness) sa santinakpan, sa sansinukob at sa sandaigdigan.

Ang Divina Makiha ay tinatawag ding “daan ng kabutihan at matuwid na landas” (right-hand  path), ito rin ang sinasabing “high magic”.  

Kabaligtaran naman nito ang Mahika Negra, sa halip, ang mga nagpapraktis at nagsasagawa ng mahikang ito ay may layuning makasakit ng kapwa at para lamang sa personal o pansariling motibo at  kapakinabangan. Kadalasan imbis na ang kapangyarihan ng “god na mabuti” ang tinatawagan ng mga gumagamit ng Mahika Negra ay ang “evil god” o ang “Diyos ng Kadiliman”.

Ang Mahika Negra ay tinatawag ding “daan ng kasamaan at pagkapalungi ng landas” (left-hand path) at ito rin ang sinabing “low magic.”

Itutuloy....

(SA MGA NAIS MAGTANONG, O NAG NANAIS MAGLAHAD NG SARILI NILANG KARANASAN, WAG MAHIHIYANG MAG-EMAIL O KAYA’Y MAG SEND NG COMMENT SA IBABA NG ARTIKULONG ITO. WALANG BAYAD AT MASAYA NAMIN KAYONG PAGLILINGKURAN. MARAMING SALAMAT PO.  – MHO)


1 comment:

  1. More power Maestro!isa n namang kapanapanabik at kapupulutan ng aral ang Artikulo mong ito..

    ReplyDelete